Puyat at Pagod

Good day mga kamommies, Ask ko lang anong magandang paraan para magstop na dumede si baby sa gabi. Pure breastfeed po sya. May sugat na nips ko at puyat na puyat na ako saktong 1yr old na si baby nadede sya nang alanganing oras, Ayoko magalit at magreklamo kaso sobrang pagod yun naramdaman ko umaabot sa punto na nasisigawan ko na anak ko(pero hindi ko naman pinapalo)Gusto ko po sana nang kumpletong pahinga. Ayoko madamay sa pagkabadtrip yung anak ko dahil sa puyat at pagod na nararamdaman ko, Gusto ko maging maayos yun mental health ko. Ayoko makaramdam nang frustration. Kumpletong pahinga lang gusto ko. P.S Sanay wag nyo po ako husgahan. Humihingi po ako ng advice. Thank you po.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Try mix feeding mama. If affected na po ang mental health dahil sa breastfeeding, it's okay to stop. I get it, sa panahon kasi ngayon yung mga bfeeding advocate minsan halos ang sama na ng tingin nila sa mga nag foformula. Pero if ikaw mismo hindi na okay, hindi din okay magiging pakikitungo mo kay baby. I stopped pumping na din nung sobrang stress na stress na ko. Formula na kami ngayon. Baby sleeps 8-10hrs at night. Nakakatulog kami ni hubby ng maayos. Nabubusog si baby, hindi nagkakasakit. Everyone is happy.

Magbasa pa