Procrastinating
Good day everyone, I need advise. Sana wag nyo ko husgahan. Im a first time mom to my 9th month old baby. Nasigawan ko anak ko dahil ayaw nya magpatulog at masama pakiramdam almost 2 hrs lang itinulog ko para padedehin at itemperature check sya tapos pinainom ko nang gamot at nilagyan ko nang patches sa noo para sa lagnat kaso dahil sa kakaiyak nya di ko maiwasan na sigawan sya. Ayun napasabay na din sa kakaiyak nya, Napaiyak din ako gawa nang puyat at pagod. Tumutulong naman yung asawa ko sa pagcheck kay baby kaso pagod sya sa paghahanapbuhay. Pls help! Ayoko magalit sa anak ko.Naguguilty ako sa nagawa ko sa baby ko. Ayoko sana magreklamo dahil anak ko naman eh pero di ko maiwasan na mag isip ng kung ano-ano dahil sa stress at pagod sa pagaalaga. Gusto ko sana kumuha nang nanny para makabalik ako sa dati kung passion kaso natatakot ako sa safety ng anak ko. Kaso mas nangingibabaw ang pagod at puyat. Ginawa ko na lang nung kinalma ko sarili ko at chineck ko ulit anak ko kung okay na sya. So far okay na anak ko dinala namin ng mister ko sa hospital for emergency checkup. Natatakot tuloy ako masundan agad ang anak ko. Buti na lang di nagagalit si mister sakin nun nasigawan ko anak namin bagkus sya na nagcomfort sa anak namin.๐ข P.S May iedit ako sa post dinagdagan ko yun base sa nangyari kanina. Tatanggapin ko yun advice nyo po. Maraming Salamat mga mommies! #advicepls #pleasehelp