Puyat at Pagod

Good day mga kamommies, Ask ko lang anong magandang paraan para magstop na dumede si baby sa gabi. Pure breastfeed po sya. May sugat na nips ko at puyat na puyat na ako saktong 1yr old na si baby nadede sya nang alanganing oras, Ayoko magalit at magreklamo kaso sobrang pagod yun naramdaman ko umaabot sa punto na nasisigawan ko na anak ko(pero hindi ko naman pinapalo)Gusto ko po sana nang kumpletong pahinga. Ayoko madamay sa pagkabadtrip yung anak ko dahil sa puyat at pagod na nararamdaman ko, Gusto ko maging maayos yun mental health ko. Ayoko makaramdam nang frustration. Kumpletong pahinga lang gusto ko. P.S Sanay wag nyo po ako husgahan. Humihingi po ako ng advice. Thank you po.

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mas ok po cguro mixed feeding nyo nlang si baby.. ako nga 3 months na walang saktong tulog, lageng puyat kasi nga pure BF din si baby.. tiis² lang tlaga tayo mga mommies

Hello mi. Ako dn gusto ko na ng kumpletong tulog pero malabo pa dahil 2mos palang si baby. Huhu. Laban lang tayo mii!! Dahil hndi naman sila forever baby 💓

pure bf mom aq.. til 3 years old xa dumede skin, pwede ka nman magside lying, tpos issalpak mo nlng ung nips mo sa knya, d nman mtgal dumede ang baby sa gabi

I-try mo na i-formula or mixed feed. Pwede din pacifier. Mahirap tlga magpa-breastfeed,nakaka-drain ng energy.

TapFluencer

Lagyan mo po ng Nipple cream para gumaling agad yung Lansinoh 1-2 days lang magaling na agad.