Puyat at Pagod

Good day mga kamommies, Ask ko lang anong magandang paraan para magstop na dumede si baby sa gabi. Pure breastfeed po sya. May sugat na nips ko at puyat na puyat na ako saktong 1yr old na si baby nadede sya nang alanganing oras, Ayoko magalit at magreklamo kaso sobrang pagod yun naramdaman ko umaabot sa punto na nasisigawan ko na anak ko(pero hindi ko naman pinapalo)Gusto ko po sana nang kumpletong pahinga. Ayoko madamay sa pagkabadtrip yung anak ko dahil sa puyat at pagod na nararamdaman ko, Gusto ko maging maayos yun mental health ko. Ayoko makaramdam nang frustration. Kumpletong pahinga lang gusto ko. P.S Sanay wag nyo po ako husgahan. Humihingi po ako ng advice. Thank you po.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same mi pure breastfeed din ako 1yr na si baby at mayamaya sya humingi nang dede kahit nakapikit subrang sakit sa likod na pabalik balik na naka sidelying peru tiniis kolang mi soon mawawala din nmn tu pag di na sila dumede gustu ko rin sana ng pahinga kasi subrang antuk pa talaga ako sa umaga at nakakahina sa katawan parang nakakapagud palagi kulang tayu sa energy peru laban lang tiis muna hanggat mskakaya

Magbasa pa