Puyat at Pagod

Good day mga kamommies, Ask ko lang anong magandang paraan para magstop na dumede si baby sa gabi. Pure breastfeed po sya. May sugat na nips ko at puyat na puyat na ako saktong 1yr old na si baby nadede sya nang alanganing oras, Ayoko magalit at magreklamo kaso sobrang pagod yun naramdaman ko umaabot sa punto na nasisigawan ko na anak ko(pero hindi ko naman pinapalo)Gusto ko po sana nang kumpletong pahinga. Ayoko madamay sa pagkabadtrip yung anak ko dahil sa puyat at pagod na nararamdaman ko, Gusto ko maging maayos yun mental health ko. Ayoko makaramdam nang frustration. Kumpletong pahinga lang gusto ko. P.S Sanay wag nyo po ako husgahan. Humihingi po ako ng advice. Thank you po.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

naghahanap din ng breastmilk ang anak ko sa gabi. mixed feeding baby ko. nakapikit sia pero hinahanap nia. we do side lying breastfeeding. ilalagay ko lang sa bibig nia. nakakatulog sia after, nakakatulog din ako agad after. it will take ilang minutes lang naman dahil nagformula na sia bago matulog. hindi ako nagrereklamo since need nia ang breastmilk. im a working mom so nagigising pako ng maaga para pumasok sa work. yes, need natin ng complete rest and sleep. but it is part of being a mother to our children. to be patient and nurture them. for your mental health, do mixed feeding. bigyan nio ng formula si LO since 1yo na sia. unti-unting niong bitawan sa breastfeeding sa gabi. bigyan ng formula bago matulog, para mas busog and longer sleeping nights. pero hindi pa rin maiwasan na gigising sia in the middle of the night.

Magbasa pa
2y ago

Instead of formula, Full cream milk na since 1yo na yun po ang recommended ng mga pedias :)