Pangalawang Beses na

Good day! May gusto lang po ako ihingi ng advice. 10 years and half na kami ng partner ko. Nag aaway naman kami dati pero Yung tahimik at maayos na pagtatalo until this year kapapanganak ko Lang nung Feb. 4 mos na ung baby namin. Nagkaron kami ng away na nasaktan nya ko. Sinapok nya Yung ulo ko after that nag usap kami Sabi nya Hindi nya na uulitin. Until now it happened again. May napagtalunan kaming maliit na bagay about gamit sa bahay Lang, tapos sinuntok nya ko ng dalawang beses naharang ko Yung hita ko kaya nagkaganyan at may pasa. Ano po hang dapat Kong gawin? Salamat po.

Pangalawang Beses na
105 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bakit kailangan mo pa magtanong kung anong dapat mong gawin? Habang pinapalampas mo ang bawat pananakit mamimihasa yan. Kumawala ka na as early as now.

4y ago

Sa 10 years and half namin naging mabuting partner sya :'( ngayon hindi ko alam bakit sya nagkaganyan. Kaya ako nagtatanong dahil nagtatalo ang damdamin ko. Kailangan ko bang iwan ang asawa ko sa ganitong sitwasyon oh kailangan ko sya i save sa sarili nya nagaalala ako Hindi po sya drug user , nagaalala ako dahil baka something in his mental health bothers him. Gusto ko syang ipa doctor madalas na may temper sya lately or baka under depression sya dahil nawalan sya ng trabaho at crisis Hindi ko po alam. Nahihirapan na po ako. iniiyak ko nalang lahat Kay lord.

VIP Member

Maam pwede mo kasuhan ng bousy anti violence agians women and children act mag sumbong ka dahil may patunay kang sinasaktan ka may ibidensya ka

VIP Member

Mamsh mauulit yan for sure.. if u love yourself, leave. Or pablotter mo sa brgy pkita mo yang pasa mo para matakot na sya gawin uli..

Iwanan mo na yan siz! Jusko! Lalo ka lang madudusa dyan! Mas mahihirapan kpa at masasabi mong bakit di mo nalang iniwan noon pa!

VIP Member

Iwan mo. Kasi tendency niyan,paulit ulit niya yan gagawin. Nagawa na nya ng dalawang beses,di malabo na may pangatlo pa.

VIP Member

Wag mo I tolerate ang asawa mo na simasaktan ka sis, meron tayong batas na nagpoprotekta Laban sa mga mapang abusong asawa.

Simple sis, very easy IWAN MO! Umuwi kasa magulang mo. Mga gnyan lalaki hnd dpat tinitiis. Baliw ang mga lalaki nanakit!

Iwan mo na mamsh hindi na magbabago yung ganyan, uulit-ulitin lang nya yan hanggat nakikita nyang nagpapatawad ka naman.

Kasuhan mo ng VAWC. Ang lalaking nanakit,naulit,hindi na yan magbabago unless ipatingin sa specialista para matulungan.

Nagtatanong ka pa eh alam mo nmn dpat mo gawin,hiwalayan mo na sinasaktan ka nga eh Wala po matino lalaki ang nanakit ng asawa

4y ago

Tama ka po ..naranasan ko din yan at sobrang hirap mag decide kung anu ang pipiliin mo lalo na mahalaga sau na buo ang pamilya mo..mas masakit na mkikita mong nasasaktan ang mga anak mo dahil broken family kayo..pero nakaka truma ung pa ulit ulit kang sinsaktan physical ng asawa mo..minsan naiisip mo ng magpakamatay..kaya sa mga hindi nkakaranas ng same situation..swerte po kayo at wag po kayo mag judge agad..