Gian Avi
Boy
4 Kg via Emergency C Section
EDD: Nov. 28, 2020
DOB: Nov. 19, 2020
Nov. 17, 9 PM, after namin magdinner nabahing lang ako tapos biglang may tumulo sa legs ko. 😂 Amniotic fluid na daw pala kaya naligo na ko at nagprepare para magpunta sa ospital. Pagdating sa ospital nagIE sakin si OB and 2cm na daw ako pero mataas pa yung cervix. Inadmit pa rin ako kahit ganun. Odi ayun sinaksakan na ko ng suero, turok ng Buscopan pampalambot daw ng cervix, antibiotics etc.
Nakatulog pa ako sa room ng slight pero nagkaroon na ko ng mild contractions dahil tinurukan na rin ako ng pampahilab. Before lunch binisita ulit ako ng OB and nagIE, 4cm na daw, dalhin na daw ako sa Labor Room. Dun na nangyari ang pinakamahaba at pinakamahirap na parte ng labor ko.
Ilang oras ako nastuck sa 6cm at hindi bumababa si baby, mula tanghali ng Nov 18 until 2am ng Nov 19. Sobrang sakit na ng contractions ko tapos pinutok na ng OB tuluyan yung water bag ko. Halos magmakaawa ako sa nurse na bigyan ako ng pain reliever kasi naiiyak na ko sa sakit. Mga 12am ng Nov 19 binigyan nila ko pain reliever, nakatulog ako ng slight para daw may energy ako umire pero nararamdaman ko pa rin contractions. Kinausap na din ako ng OB pag 2am na at hindi pa rin bumaba si baby emergency cs na ko.
Sabi ko hindi Doc kaya ko to inormal, feeling ko kasi taeng tae na ko and lalabas na talaga si baby. Pumasok na si Hubby sa labor room para kamustahin ako, pinakiusapan na nya yung mga nurse kahit bawal. Pagdating ng 2am nagIE ulit, GOOD NEWS, 8cm na pero di pa rin bumababa si baby. Sabi ko Doc try na natin baka pwede na ko umire.
Dinala na ko sa Delivery Room pinilit ko talaga na umire kada contractions pero sobrang exhausted na ko sa buong araw ng labor. 2 hours lumipas at nagrequest ako kausapin si Hubby. Sabi ni Hubby sige na kung di mo na kaya pumayag ka na magpaCS, wag mo alalahanin ang gastos gagawa tayo ng paraan. Kasi yung funds namin is pang Normal Delivery lang talaga. Pumayag na din ako magpacs.
Kaso nadelay ng 6am yung pagCS sakin kasi wala pa yung Pedia at Anesthesiologist. So from 4am to 6am para akong lantang gulay na nanginginig sa Operating Table. Sobrang grabe na dasal ko talaga na sana makaraos na ko at lumabas na si baby.
After dumating ng buong team game time na! Grabe pala ang epekto ng spinal anesthesia, yung sobrang panginginig ng upper body ko pero wala naman ako nararamdaman sa baba. Manhid lang talaga sobra. Iba yung feeling nung narinig ko nakalabas na si baby at umiyak sya. Lalo pa nung narinig ko 4kg pala sya kaya di ko mailabas sa pwerta ko. 😂 Huling memory ko before maK.O. is pinalatch sya sakin and nakita kong kamukhang kamukha sya ng Daddy nya. 😂
Update, nagaanti biotics si baby for 1 week kasi nagkasepsis sya sa loob. Dahil na rin sa matagal ako naglabor. 😢
Jane Aguinaldo