My Birth Story

Gian Avi Boy 4 Kg via Emergency C Section EDD: Nov. 28, 2020 DOB: Nov. 19, 2020 Nov. 17, 9 PM, after namin magdinner nabahing lang ako tapos biglang may tumulo sa legs ko. πŸ˜‚ Amniotic fluid na daw pala kaya naligo na ko at nagprepare para magpunta sa ospital. Pagdating sa ospital nagIE sakin si OB and 2cm na daw ako pero mataas pa yung cervix. Inadmit pa rin ako kahit ganun. Odi ayun sinaksakan na ko ng suero, turok ng Buscopan pampalambot daw ng cervix, antibiotics etc. Nakatulog pa ako sa room ng slight pero nagkaroon na ko ng mild contractions dahil tinurukan na rin ako ng pampahilab. Before lunch binisita ulit ako ng OB and nagIE, 4cm na daw, dalhin na daw ako sa Labor Room. Dun na nangyari ang pinakamahaba at pinakamahirap na parte ng labor ko. Ilang oras ako nastuck sa 6cm at hindi bumababa si baby, mula tanghali ng Nov 18 until 2am ng Nov 19. Sobrang sakit na ng contractions ko tapos pinutok na ng OB tuluyan yung water bag ko. Halos magmakaawa ako sa nurse na bigyan ako ng pain reliever kasi naiiyak na ko sa sakit. Mga 12am ng Nov 19 binigyan nila ko pain reliever, nakatulog ako ng slight para daw may energy ako umire pero nararamdaman ko pa rin contractions. Kinausap na din ako ng OB pag 2am na at hindi pa rin bumaba si baby emergency cs na ko. Sabi ko hindi Doc kaya ko to inormal, feeling ko kasi taeng tae na ko and lalabas na talaga si baby. Pumasok na si Hubby sa labor room para kamustahin ako, pinakiusapan na nya yung mga nurse kahit bawal. Pagdating ng 2am nagIE ulit, GOOD NEWS, 8cm na pero di pa rin bumababa si baby. Sabi ko Doc try na natin baka pwede na ko umire. Dinala na ko sa Delivery Room pinilit ko talaga na umire kada contractions pero sobrang exhausted na ko sa buong araw ng labor. 2 hours lumipas at nagrequest ako kausapin si Hubby. Sabi ni Hubby sige na kung di mo na kaya pumayag ka na magpaCS, wag mo alalahanin ang gastos gagawa tayo ng paraan. Kasi yung funds namin is pang Normal Delivery lang talaga. Pumayag na din ako magpacs. Kaso nadelay ng 6am yung pagCS sakin kasi wala pa yung Pedia at Anesthesiologist. So from 4am to 6am para akong lantang gulay na nanginginig sa Operating Table. Sobrang grabe na dasal ko talaga na sana makaraos na ko at lumabas na si baby. After dumating ng buong team game time na! Grabe pala ang epekto ng spinal anesthesia, yung sobrang panginginig ng upper body ko pero wala naman ako nararamdaman sa baba. Manhid lang talaga sobra. Iba yung feeling nung narinig ko nakalabas na si baby at umiyak sya. Lalo pa nung narinig ko 4kg pala sya kaya di ko mailabas sa pwerta ko. πŸ˜‚ Huling memory ko before maK.O. is pinalatch sya sakin and nakita kong kamukhang kamukha sya ng Daddy nya. πŸ˜‚ Update, nagaanti biotics si baby for 1 week kasi nagkasepsis sya sa loob. Dahil na rin sa matagal ako naglabor. 😒

My Birth Story
20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Grats po. β™₯️ Sklng. Sakin nun first nilabasan ako ng mucus. then after kinabukasan ng alas 5 ng madaling araw tubig na lumabas. Tapos tinakbo nako za osp. around 7-8 ramdam na ramdam kuna contraction. Sobrang sakit nya. Then nag request si ob na magpa bps muna ako kc titingnan galaw ni baby at kung gano karami na tubig nawala sakin. Habang inuultrasound ako, humihilab tyan ku. Then the results is normal Ty papa God. β˜οΈπŸ™ Tapos nun in admit na ako dun na nagtuloy tuloy yung sakit. Bawal ako tumayo kasi sbi ng nurse baka dw yung cord ni baby yung lumabas hindi yung ulo. Kaya nakahega lang ako nun habang naglalabor. Tinawag ko na lahat ng matatawag kapag humihilab. πŸ˜… haha 8hours ako naglabor. then finally my baby s' out around 330pm.😁 healthy baby boy.πŸ’™πŸ’™πŸ‘Ά sary napahaba hehehe

Magbasa pa

congrats mommy 😊sa kin nun inabot ng 3 nights labor ko kaya nong tinatry nila akong inormal wala na kong energy kasi puro gatas lang laman ng tyan ko at wala akong tulog sa sobrang sakit ng pampahilab nila kaya ang ending doble tahi ko. sa pwerta at yung sa cs pero worth it lahat ng hirap at sakit kasi ang lambing at bibo ni baby kahit 9 months pa lang siya 😊

Magbasa pa
TapFluencer

congrats mommy ❀️❀️❀️ welcome to the world baby ..sana lumaki kang mabait . wag sasagot sa mommy kasi pinahirapan mo talaga . hehehe .

4y ago

Naku sana nga! Dalawa ang puyo pero I feel mabait naman

Congrats mommy. Same with mine, 1 week yung anti biotic ng baby ko hanggang nov 27 pa dahil din sa 40 hours kong labor.

4y ago

Hala grabe! Get well soon din sa baby mo mommy. Problema lang namin ngayon yung IV line nya lagi natatanggal kasi malikot masyado. Puro tusok tuloy 😭

sending my virtual hugs momsh. palakas po kayo. sobrang dakila talaga ng mga nanay. congratulations and God bless.

VIP Member

congrats mommy. .worth it ang pain❀️❀️😍

Super Mum

Congratulations mommy! ❀️❀️❀️

congrats.po mommy..

VIP Member

Congrats MommyπŸ’•

congrats momshh😊❀