Sheryn Medina profile icon
PlatinumPlatinum

Sheryn Medina, Philippines

Contributor

About Sheryn Medina

A mummy of a handsome baby boy

My Orders
Posts(10)
Replies(116)
Articles(0)

Baby Out at 39 weeks and 1 day.

Sharing my pregnancy journey. 🤰 EDD via LMP: February 2, 2023 DOB: January 27, 2023 1. Type of delivery: Normal Delivery 2. Father in room: Yes 3. Birth date: January 27 ,2023 4. Morning sickness?: Yes 5. Cravings: any cold fruits (esp peras) & spaghetti 6. Gender of the baby: Baby girl 7. Place of birth: Faith Birthing Home Clinic 8. Hours of labor: 15 hours 9. Weight: 2.6kg 10. Name of the baby: Zariah Fiel M. Basilio 11. Age now: 3 days old - I couldn’t be more thankful to God na sobrang comfortable ng panganganak ko sa napili kong birthing station. Ang midwife ay christian like us kaya nakakabless na pinag pray niya muna kami ng baby bago ako manganak. 📍STORY TIME Sobrang stress na ako nung 38 weeks kasi hindi pa ako nanganganak. Mababa kasi yung hemoglobin count ko kaya noong 38 weeks tumaas ng 12 kaya dapat manganak na ako agad kasi baka bumaba ulit. Nung 39 weeks ko na, pumasyal muna kami ng family dahil stress ako at nakapag research ako na kailangan relax ka para mag labor kana. So ayun, lakad lakad lang nag monasterio de tarlac kami. Na relax naman ako at pansamantalang hindi naisip na kailangan ko na manganak. Then nung madaling araw 4am nag start na humilab tyan ko, hindi ko pinansin kasi lagi naman ganon tapos maaalis din. Pag dating ng umaga medyo lumalakas na kaya sabi ko nag le-labor na ako. Lakad ako ng lakad para mas mapabilis. Pagdating ng gabi, sobrang sakit na. Pero 5 minutes palang internal gusto kasi ng midwife 2mins interval doon ako pumuntang clinic. Kaya nung hindi kona nakayanan yung sakit sabi ko baka pwede na. Pagpuntang clinic IE agad tapos 6cm na ako. Sabi ng midwife ang tigas pa ng cervix ko pero sobrang baba na ni baby at gusto na lumabas kaya ang daming ipinasok na primrose sa pwerta ko at naghintay ng ilang minutes tapos ayun na. Ilang ire lang, lumabas na si baby. Sobrang haba nitong kwento ko kaya salamat kung nakarating ka hanggang dito. Hahahaha! Ngayon puyat na puyat dahil yung panganay ko na nasundan 2 years old palang tapos may newborn pa. Pero sobrang saya ko pa din at hindi na napapansin ang puyat at pagod dahil sobrang love ko mga junakis ko! Yun lang. Thank you for reading my story! God bless you. ❤️

Read more
Baby Out at 39 weeks and 1 day.
 profile icon
Write a reply