share ko lang. wanted to vent out

Ganito kasi yun, nag away kami ng hubby ko. Reason? Homebased kasi sya, para di mabored habang nagwowork dinadalaw sya ng mga kaibigan nya sa bahay. Nightshift sya, so oras na nagpapatulog ako ng baby. Which is ok lang na andyan sila. Ang problema ang iingay! So pinagsabihan ko na wag maingay kasi hindi naman sila ang nahihirapan magpatulog. Eto pa ang kinainisan ko. May nagyoyosi, though hubby ko nagstop na. Pinagsabihan naman daw nya. Pero pinagalitan ko parin, parang di kasi nakakaintindi na may baby. Kahit na ba nasa labas yung nagyosi. E nasa labas damit namin nakasampay. Nasa isip ko pano pag nauusukan ng yosi yun tapos susuotin namin damit tapos kakargahin ang bata edi nakalanghap na ng 2nd hand smoke. Lumalabas pa naman kami sa umaga para magpa araw. Tapos diba naiiwan ang chemicals ng yosi sa mga gamit or walls. Nalaman ko lang na may nagyoyosi kasi bumaba ako kanina para mag cr kasi tulog nanaman yung baby ko. Kaya nainis ako lalo sa asawa ko. Hinahayaan nya na ganun, kahit nagstop sya edi nakakalanghap din sya 2nd hand smoke. Eto pa, dahil nga magkagalit kami ng asawa ko dahil dun. Minessage ko MIL ko, para makapag labas din sama ng loob. Kwinento ko nangyare. Alam nyo sabi? Ok lang daw yun, kesa naman daw sobra arte. Para daw lumakas ang immune system. Di ko nalang nireplyan. Nag init lalo ulo ko. Para wala na din ako masabi. Kaya dito ko nalang ilalabas. Pasensya na mahaba

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hala sila! Try mo ikaw ang kumausap sa kaibigan ni hubby but mahinahon po baka mamisinterpret ni hubby at ng friends nya.

6y ago

Kakausapin ko po bukas. Baka kasi ano pa masabi ko sakanila kanina. Kaya umakyat nako. Okay na yun pinagsabihan ko sila. Pero pag akyat ko, di naman mga itinigil