ANY TIPS PARA MAPALAKI ANG SIZE NI TUMMY.

Galing akong pre-natal check up now mamsh. Hindi ko alam kung nadamay lang ba ako sa pagkabadtrip ng Doc. sa kasabayan ko sa room kasi 15 yrs old yung bata and yung size ng tummy niya di tumugma sa iniexpect ni Doc, mas malaki na yung tyan niya sa expected size ni Doc kaya nagalit siya sa kasabayan ko sabi niya kung tama ba ang ibinigay na date sa pagreregla nito. Etong si girl naman sabi niya di talaga sure sa date ng regla niya kaya ayon nagdadakdak si Doc. So eto na nga po AKO NA 🙂 last check up ko okay naman, kahit size ng tummy ko sakto naman daw sa expected niya sa size kaya no worries ako na humiga. Nung sinukat na niya bigla niya ako sinabihan ikaw tama ba yung date sa pagregla mo tama ba binigay mo then sabi "Opo doc, naka record po yung monthly period ko sa calendar ko since 2021 kasi nagplano na kami na magbuntis ako. Tapos sabi niya sakin NGANO MAN GAMAY RA GEAPON SA IMONG TYAN OPO OPO DHA (bakit maliit parin tyan mo) ako nagulat nalang tsaka tumahimik kasi dko alam isasagot ko kasi last time okay naman eh. HINGI PO AKO NG ADVICE 🥺 Ano pwede gawin para lumaki size sa Tummy, ano mga need kainin, last month 55 timabang ko, now pagbalik ko 57 lang. 2kl lang din nadagdag, medyo nastress ako now pag uwi kasi wala naman sinabi yung Doctor kung ano pwede ko gawin para sumakto yung size ng tummy ko 😞🥺 dko rin ksi nakakain mga pagkain na gusto ko hayst. ANY TIPS po para lumaki size ng tummy ko balik ko po kasi is August 1 pa naman. SEPT. Kabuwanan ko ❤️ #1stimemom #advicepls #pregnancy #firstbaby #pleasehelp

53 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag mo masyado palakihin si baby momsh ikaw din mahihirapan sapaglabas niyan, kung ako sayo hanap ka ng ibang OB kasi baka mahirapan ka lang kung Moody si OB. Yung OB ko apaka saya kausap tapos pag nag bibigay ng tips at dapat gawin example niya pa muna sayo, then text or tawag lang daw if something is bothering me kasi ayaw niya ma stress ako dapat enjoy pregnancy lang daw. Mejo nakakainis yung OB mo momsh alam niyang buntis ka asa ayos naman yung pregnancy mo.

Magbasa pa
3y ago

yung nga din po. malakas ako talaga sa pagkain, lately binawasan ko kasi pinagbawalan din ako ng parents ko every 2hrs malakas ako sa kanin baka masyado lumaki si baby dalawa daw kami mahirapan lalo na ako. Dko nalang intindihin sabihin niya kasi masama talaga ugali ng Doc. na yon mismong mga nurse na nagsabi, ultimo ultrasound results ng ibang buntis pinupunit niya kapag sa mas murang bayaran nagpapa ultrasound. Ugali ba dapat yan ng isang OB .