ANY TIPS PARA MAPALAKI ANG SIZE NI TUMMY.

Galing akong pre-natal check up now mamsh. Hindi ko alam kung nadamay lang ba ako sa pagkabadtrip ng Doc. sa kasabayan ko sa room kasi 15 yrs old yung bata and yung size ng tummy niya di tumugma sa iniexpect ni Doc, mas malaki na yung tyan niya sa expected size ni Doc kaya nagalit siya sa kasabayan ko sabi niya kung tama ba ang ibinigay na date sa pagreregla nito. Etong si girl naman sabi niya di talaga sure sa date ng regla niya kaya ayon nagdadakdak si Doc. So eto na nga po AKO NA 🙂 last check up ko okay naman, kahit size ng tummy ko sakto naman daw sa expected niya sa size kaya no worries ako na humiga. Nung sinukat na niya bigla niya ako sinabihan ikaw tama ba yung date sa pagregla mo tama ba binigay mo then sabi "Opo doc, naka record po yung monthly period ko sa calendar ko since 2021 kasi nagplano na kami na magbuntis ako. Tapos sabi niya sakin NGANO MAN GAMAY RA GEAPON SA IMONG TYAN OPO OPO DHA (bakit maliit parin tyan mo) ako nagulat nalang tsaka tumahimik kasi dko alam isasagot ko kasi last time okay naman eh. HINGI PO AKO NG ADVICE 🥺 Ano pwede gawin para lumaki size sa Tummy, ano mga need kainin, last month 55 timabang ko, now pagbalik ko 57 lang. 2kl lang din nadagdag, medyo nastress ako now pag uwi kasi wala naman sinabi yung Doctor kung ano pwede ko gawin para sumakto yung size ng tummy ko 😞🥺 dko rin ksi nakakain mga pagkain na gusto ko hayst. ANY TIPS po para lumaki size ng tummy ko balik ko po kasi is August 1 pa naman. SEPT. Kabuwanan ko ❤️ #1stimemom #advicepls #pregnancy #firstbaby #pleasehelp

53 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

wag mo masyado palakihin si baby momsh ikaw din mahihirapan sapaglabas niyan, kung ako sayo hanap ka ng ibang OB kasi baka mahirapan ka lang kung Moody si OB. Yung OB ko apaka saya kausap tapos pag nag bibigay ng tips at dapat gawin example niya pa muna sayo, then text or tawag lang daw if something is bothering me kasi ayaw niya ma stress ako dapat enjoy pregnancy lang daw. Mejo nakakainis yung OB mo momsh alam niyang buntis ka asa ayos naman yung pregnancy mo.

Magbasa pa
2y ago

yung nga din po. malakas ako talaga sa pagkain, lately binawasan ko kasi pinagbawalan din ako ng parents ko every 2hrs malakas ako sa kanin baka masyado lumaki si baby dalawa daw kami mahirapan lalo na ako. Dko nalang intindihin sabihin niya kasi masama talaga ugali ng Doc. na yon mismong mga nurse na nagsabi, ultimo ultrasound results ng ibang buntis pinupunit niya kapag sa mas murang bayaran nagpapa ultrasound. Ugali ba dapat yan ng isang OB .

hala si doc. hehe. wag ka pastress sa kanyan mommy. kung ako ikaw, hanap po akong iba ob. pero regarding po sa size ng bump nyo, as long as okay po si baby, wala pong problema. iba iba po kasi ang sizes ng mga pagbubuntis ng mga mommy. ako po nagkabump pa lang nung nag5months ako. going 6 months na po ako sa tuesday at bigla lobo naman ng tyan ko ngayon hehe. kung plano nyo po magnormal delivery, much better po na sakto lang sa sukat si baby. 😊

Magbasa pa
2y ago

5months po mas active na siya. nung 4months bihira lang siya

na sestress ka.masyado sa doctor mo ok naman yung progress mo kasi last time 27 size ng tiyan ko 28 pag balik ko, then timbang ko 71 before pagbalik ko 73 wala naman daw mali sabi nh doctor nag bilang din siya tugma naman yung due sa last regla ko. Kung nasestress ka sa OB mo mag palit ka dapat sila panga nag papagaan ng pakiramdam natin eh kasi everytime nag kikita kami ng OB ko gumagaan pakiramdam ko.

Magbasa pa
2y ago

wala naman problema kung mag papalit ka ng OB mii, marami jan. sa mga clinic clinic karapatan mo naman yan.

okay lang yan sis my mga nag bubuntis talaga na maliit tyan gaya ko ung tyan ko noong 9months tyan ko kung ikukumpara parang 5months lang 🤣 basta okay si baby sa loob at walang problema okay lang yan at wag kang makapaka stress hayss palit ka ng ob HAHA hayss bawal ma stress ang buntis basta okay ung baby sa loob wala sa liit at laki ng tyan yan! at mahirap kung lumaki ng husto si baby sa loob baka ma cs ka kaya relax lang hehe

Magbasa pa

Palit ob ka na mamshie, heheh, ung saakin ngang ob never nia sinabi na maliit tummy ko, basta healty si baby every check up ko., maliit lang din ako magbuntis kaya nung nanaganak ako parang hindi ako nagbuntis. Normal delivery ako. Mas okay na tama lang size ni baby paglabas para di ka mahirapan manganak, sa labas mo n sya palakahin. Namiss ko tuloy Ung OB ko na sobrang bait😊.

Magbasa pa
2y ago

thanks mii. dko nalang pansinin sinabi niya. ❤️

ganyan din yung ob ko dati nag woworry siya kase sobrang liit ng tyan ko nasa 25 or 27 lang yata size ng tummy as in sobrang liit ng tummy ko nanganak ako tapos yung timbang ko is 49 lang pero sa awa naman healthy si baby pag labas kase purong bata pala yung laman ng tummy ko yung baby ko nasa 2.7 lang ng lumabas pero okay lang as long as healthy naman yung baby😊🙏🏻

Magbasa pa

my regla ata c ob.. 😅😅 kya mainit ulo.. pgpasensyahan mu n lng, pra sa akin lng ah, d ko nmn ma suggest na magpalit ng ob kc malaki na rin nmn na tyan mu at alm ni ob history mu since nung nagpa check up.. at ikaw rn nagsabe na d mu nakakaen ang pagkaen na gusto mu.. ikaw na lng mag adjust sis 😅.. team Sept dn ako, lagi dn ako gutom,. kya lamon lng.. 😁

Magbasa pa
2y ago

kaya nga sis may mga pagkain na gusto ko na dko makain kaya nabawi ako sa kanina every 2hrs talaga kasi mayat maya ako gutom. bahala nalang siya sa buhay niya nature na niya talaga magtalak sa pasyente. hahahaha

mi pareho po tayo maliit si baby sa tiyan ako po yung lumaki hehehe pero may vitamins po binigay si ob at monitor po kami sabi ni ob wag daw mastress. at wag ka mag alala mi kasi sabi ng sister in law ko na nurse as long as gumagalaw si baby yun po dapat bantayan natin. hingi ka nalang ng vitamins kay ob mi para sa baby. team sept. pi din ako mi.

Magbasa pa

Basta sundin niyo lang po yung mga advises ng doctor niyo sa pagkain mga heathly and green leafy ng pagkain, take niyo din vitamins niyo daily, same tayo ng due date Month of september din ako more water din pero wag sosobra aa malamig maging cool lang tayo kahit buntis tayo, basta hindi nakakasama sa baby yung mga ginagawa natin daily, hehehe

Magbasa pa

parang sobrang strict Naman Ng ob mo mamsh.. hehe just saying . tska parang kahit di kana maxado magkakain Basta third tri kana lalaki talaga si baby sa tummy mo Ng manilis.. kaya nga day pag third tri na alalay nalang sa pagkain.. .. Ang mostly Naman na mahalaga ay lumabas SI baby na malusog diba.. baka pagod lang ob mo momsh hehehe

Magbasa pa
2y ago

terror talaga siya Mamsh from the very first time na dating ko dito sa Misamis sinabi na sakin ng head nurse na yung doctor kung san niya ako ilalagay eh terror, ipapahiya at maiiyak ka talaga, di daw ako makaka experience ng ganyan IF susundin ko gusto ng OB ko simula naman sinunod ko, first time niya lang talaga ako nagpasabihan ng ganon kaya nag worry ako tuloy ako sa size ng tummy ko.