Ang sakit magpabreastfeed ðŸ˜
FTM here ay nalulungkot ako na hirap na hirap akong ipa-deep latch baby ko. Sana noong naconfine ako nung sched cs may lactation consultant din na kasama sa staff na titingin sayo at magaadvise kung paano magpalatch nang tama. Nalaman ko nalang na kapag masakit, you're doing it wrong. Ngayon super tiis ako sa sakit, at naaawa ako sa anak ko na need kong ipractice magpalatch, siyempre magiging uncomfortable din siya, tas yun din pala reason kung bakit madalas siyang umuutot, at nagkaroon ng upset stomach, kasi mali pagka-latch ko. Nakakalungkot yung feeling na natatakot kang magpa-bf kasi masakit, imbis na maturing kong bonding namin ni lo yun. 1 week palang si baby, hopefully magawa ko nang tama huhu. Any tips po sana or words of encouragement? Ilang beses na akong umiyak today ðŸ˜#firstmom #pleasehelp #advicepls #firstbaby

Naexperience ko rin to nung newborn ang baby ko. Pinagsisihan ko na hindi ko pinag aralan ang tungkol sa breastfeeding bago ako manganak, akala ko kasi madali lang, yung tipong go with the flow haha hindi pala. Inverted at flat pa nipples ko kaya struggle talaga. Toe curling yung sakit, tipong habang dumedede si baby umiiyak ako, at kaya pala sobrang sakit dahil lacerated na yung nipple sa left as in kala ko matatanggal na siya, I even googled kung tutubo ba yung nipple pag natanggal. Haha 😅 andami kong napanuod na tutorial sa youtube, vimeo kung pano ang tamang latch, mga forums, articles even ig stories ng mga celebrity about breastfeeding nakita/nabasa ko na. And They were all helpful. Eventually umokay na, siguro it took me 1 month para maging okay and it took me 3 months para masabing confident na ko mag bf, parang ang tagal pero di ko na namalayan and it is worth it. Breastfed my bb for 2.5 yrs. Some tips that helped me: -nipple cream ( naglalagay ako after feeding/before maligo + mabilis naka heal ng sugat) -may napanuod akong video tutorial ng tamang paglatch and they used real mother and baby, super helpful kasi kita mo talaga kung paano. -sandwich method (ok to kung inverted nipples mo) -try ka ng ibat ibang breastfeeding positions (naging helpful sakin ang football hold) -nipple shield (ok din to sa inverted/flat nipples pero saglit ko lang sa nagamit) -focus on you and your baby, wag papastress. -lagi ako nagbabasa ng mga benefits ng breastmilk kasi it keeps me going (favorite ko yung antibodies kasi ikaw lang makakapagbigay nun kay baby) Goodluck mommy, kaya mo yan! Magugulat kanalang one day na easy na lang ang pag bf. Super worth it lalo na pag makikita mo ang weight gain ni baby dahil sa breastfeeding, nakakaproud haha
Magbasa pahi Ma - mejo naging uncomfortable din kami ni baby 1st few months. una I felt mahina supply ko, kaya puro ako nun may sabaw. inom din ako ng Milo lagi nun and nagpapahid ako ng Basil essential oil sa lower back and chest pang boost ng milk supply. Lumakas din kakalatch ni baby. May times din na sumasakit nipples or 1 boob ko, hot compress nmn and massage. 2 years old and 1 month na now si baby, and I have been continuosly reaping the benefits of breastfeeding. Swerte din na WFH ako since preggy, also it's the most nutritious milk that we can provide. Mama has been hospitalized and bedridden since March 6. Nilabas cya last Monday ng March ang bill was nearly 200k. Never ako namublema sa gatas ni baby. Even diaper kasi nag clothe diaper kami. Pag hirap ka na Ma, balik ka sa Whys mo bakit mo ba yan gusto maachieve? It will all get better and so worth it Ma. Goodluck and I know kaya mo yan. Lahat kinakaya pag Nanay na 🥰
Magbasa paGanyan talaga mi. Muntik ko na din sukuan nung una. Sobrang sakit kasi talaga. Bili ka ng nipple cream. Ako gamit ko medela lanolin. Safe din yon kahit makain ni baby. No need to rinse. Every after dede ni baby naglalagay ako and super nakaka relieve talaga. Feeling ko yung talaga reason bat naka survive nipple ko haha. Feeling ko non mapipigtas na sa sobrang sakit e. Ngayon naeenjoy ko na sobra. Di ko na din kelangan ng nipple cream haha. Lilipas din yung pain mi. Masasanay din nipple mo hehe. Also, you might want to check if may tounge tie si baby. Sa case ni baby ko meron kaya at 2wks old pa lang pina cut na namin. Laking tulong din kasi after non laki ng improvement nya sa pag latch. Dumating din ako sa point na umiiyak ako ng malala habang nagpapa dede haha. Minsan sigaw ako ng sigaw sa sobrang sakit as in. Natatawa nalang ako ngayon pag naaalala ko. 3 months na si baby ngayon. It gets better everyday mommy!
Magbasa paon my first born, wala akong lactation consultant. nagkaroon din ng sugat ang nipple ko. kahit sobrang sakit, continue ko pa rin sa breastfeeding. kapag dko na kaya sa sakit, sa kabila na lang. eventually, gagaling din ang sugat. on my second born, after my cs habang naka confine pako sa hospital, ang pedia ang lactation consultant ko. every visit nia, chinecheck nia pano ang breastfeeding ni baby then kinocorrect nia ang position para maka deep latch. this time, hindi ako nagkasugat sa nipples. wag kalimutang i-burp after every feeding si baby to release gas. wag ihihiga agad after feeding. wait for atleast 30 minutes bago ihiga kahit nakaburp na si baby. kaya mo yan, magagawa mo yan for baby. importante ang breastfeeding kay baby. always pray for guidance. God provides.
Magbasa pasuper danas ko to. 6weeks akong umiiyak everytime na dedede si baby hanggang sa paunti unti nang nawala yung sakit. Dumating kami sa point na muntik na bumili ng formula at tubig si hubby para daw di na ako mahirapan kasi nakikita nya yung hirap ko pero sabi ko mas gusto ko na bf si baby dahil mas masustansya nga siya. Pag sapit ng 6weeks kahit masakit pa, mas pinili kong hindi pansinin yung pain, iniisip ko na hindi masakit para yun yung isignal ng brain ko sa katawan ko na hindi masakit magpa bf hahaha. Ngayon 11weeks na kaming bf ni baby and counting! Better days will come to u momma, so proud of u 😘
Magbasa paako mi gnyan din sa mga 1week na non c lo.. as in ang hapdi na. hanggang sa nagppump nalang ako ng manual pra ibottle fed xia. ftm din ako. umiiyak na ako non pag nagpapadede kc prang may sugat na nipples ko. pinapagalitan pa ako ni mama non pg umiiyak ako hehe. sabayan pa ng ppd. pero nung nag 1mo na c lo d na xia masakit..nag okay na rin latch nya. ngayon 8mos na xia hirap na nman ako iswitch xia to bottlefeed 😅 okay lang yan mamsh ..gnyan sa simula 😅
Magbasa paMahirap sa umpisa mommy, pero once natutunan nyo na ni baby, it's so worth it. EBF kami pero mga 2 months na siguro nung nalaman kong there's a proper way to latch pala. Tiniis ko lang yung sakit since "normal" lang daw yun, hindi pala. By 2 months, nasanay na kami ni baby sa shallow latch nya, nakakatempt na tiisin na lang yung sakit at plugged ducts. Pero push lang, masasanay rin kayo magdeep latch. 🤗 It's not too late for you.
Magbasa paSame mi, sa case ko naman after CS hindi makapag-latch si baby, pag-uwi, bottle-fed sya pero nagpupump ako. Naghanap kami ng lactation consultant tapos nalaman na tongue-tied at lip-tied sya bago napatanggal nag-latch na sya pero sobrang sakit. Nung natanggal may unting improvement pero gums pa rin madalas gamit nya. ðŸ˜ðŸ¥² Sana talaga makuha sa oral Exercises.
Magbasa paganyan din po ako momsh. masakit. nagka sugat2 pa. yung feeling ko na parang matatanggal na ang nipples ko. So nag research din ako para matama ko at maka latch si baby nang maayos. Sa awa nang Dios 7mos na akong EBF at super lusog nang baby ko ngayon.
ganyan din ako momsh.. ginawa ko bumili ako ng silicone nipple protector.. para napapa bf ko p rin si baby habang pinapagaling sugat s nipple nakkapag bonding p rin kmi 😊