Ang sakit magpabreastfeed 😭

FTM here ay nalulungkot ako na hirap na hirap akong ipa-deep latch baby ko. Sana noong naconfine ako nung sched cs may lactation consultant din na kasama sa staff na titingin sayo at magaadvise kung paano magpalatch nang tama. Nalaman ko nalang na kapag masakit, you're doing it wrong. Ngayon super tiis ako sa sakit, at naaawa ako sa anak ko na need kong ipractice magpalatch, siyempre magiging uncomfortable din siya, tas yun din pala reason kung bakit madalas siyang umuutot, at nagkaroon ng upset stomach, kasi mali pagka-latch ko. Nakakalungkot yung feeling na natatakot kang magpa-bf kasi masakit, imbis na maturing kong bonding namin ni lo yun. 1 week palang si baby, hopefully magawa ko nang tama huhu. Any tips po sana or words of encouragement? Ilang beses na akong umiyak today 😭#firstmom #pleasehelp #advicepls #firstbaby

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

on my first born, wala akong lactation consultant. nagkaroon din ng sugat ang nipple ko. kahit sobrang sakit, continue ko pa rin sa breastfeeding. kapag dko na kaya sa sakit, sa kabila na lang. eventually, gagaling din ang sugat. on my second born, after my cs habang naka confine pako sa hospital, ang pedia ang lactation consultant ko. every visit nia, chinecheck nia pano ang breastfeeding ni baby then kinocorrect nia ang position para maka deep latch. this time, hindi ako nagkasugat sa nipples. wag kalimutang i-burp after every feeding si baby to release gas. wag ihihiga agad after feeding. wait for atleast 30 minutes bago ihiga kahit nakaburp na si baby. kaya mo yan, magagawa mo yan for baby. importante ang breastfeeding kay baby. always pray for guidance. God provides.

Magbasa pa