Ang sakit magpabreastfeed 😭

FTM here ay nalulungkot ako na hirap na hirap akong ipa-deep latch baby ko. Sana noong naconfine ako nung sched cs may lactation consultant din na kasama sa staff na titingin sayo at magaadvise kung paano magpalatch nang tama. Nalaman ko nalang na kapag masakit, you're doing it wrong. Ngayon super tiis ako sa sakit, at naaawa ako sa anak ko na need kong ipractice magpalatch, siyempre magiging uncomfortable din siya, tas yun din pala reason kung bakit madalas siyang umuutot, at nagkaroon ng upset stomach, kasi mali pagka-latch ko. Nakakalungkot yung feeling na natatakot kang magpa-bf kasi masakit, imbis na maturing kong bonding namin ni lo yun. 1 week palang si baby, hopefully magawa ko nang tama huhu. Any tips po sana or words of encouragement? Ilang beses na akong umiyak today 😭#firstmom #pleasehelp #advicepls #firstbaby

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan talaga mi. Muntik ko na din sukuan nung una. Sobrang sakit kasi talaga. Bili ka ng nipple cream. Ako gamit ko medela lanolin. Safe din yon kahit makain ni baby. No need to rinse. Every after dede ni baby naglalagay ako and super nakaka relieve talaga. Feeling ko yung talaga reason bat naka survive nipple ko haha. Feeling ko non mapipigtas na sa sobrang sakit e. Ngayon naeenjoy ko na sobra. Di ko na din kelangan ng nipple cream haha. Lilipas din yung pain mi. Masasanay din nipple mo hehe. Also, you might want to check if may tounge tie si baby. Sa case ni baby ko meron kaya at 2wks old pa lang pina cut na namin. Laking tulong din kasi after non laki ng improvement nya sa pag latch. Dumating din ako sa point na umiiyak ako ng malala habang nagpapa dede haha. Minsan sigaw ako ng sigaw sa sobrang sakit as in. Natatawa nalang ako ngayon pag naaalala ko. 3 months na si baby ngayon. It gets better everyday mommy!

Magbasa pa