Ang sakit magpabreastfeed 😭

FTM here ay nalulungkot ako na hirap na hirap akong ipa-deep latch baby ko. Sana noong naconfine ako nung sched cs may lactation consultant din na kasama sa staff na titingin sayo at magaadvise kung paano magpalatch nang tama. Nalaman ko nalang na kapag masakit, you're doing it wrong. Ngayon super tiis ako sa sakit, at naaawa ako sa anak ko na need kong ipractice magpalatch, siyempre magiging uncomfortable din siya, tas yun din pala reason kung bakit madalas siyang umuutot, at nagkaroon ng upset stomach, kasi mali pagka-latch ko. Nakakalungkot yung feeling na natatakot kang magpa-bf kasi masakit, imbis na maturing kong bonding namin ni lo yun. 1 week palang si baby, hopefully magawa ko nang tama huhu. Any tips po sana or words of encouragement? Ilang beses na akong umiyak today 😭#firstmom #pleasehelp #advicepls #firstbaby

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

super danas ko to. 6weeks akong umiiyak everytime na dedede si baby hanggang sa paunti unti nang nawala yung sakit. Dumating kami sa point na muntik na bumili ng formula at tubig si hubby para daw di na ako mahirapan kasi nakikita nya yung hirap ko pero sabi ko mas gusto ko na bf si baby dahil mas masustansya nga siya. Pag sapit ng 6weeks kahit masakit pa, mas pinili kong hindi pansinin yung pain, iniisip ko na hindi masakit para yun yung isignal ng brain ko sa katawan ko na hindi masakit magpa bf hahaha. Ngayon 11weeks na kaming bf ni baby and counting! Better days will come to u momma, so proud of u 😘

Magbasa pa