Naexperience ko rin to nung newborn ang baby ko. Pinagsisihan ko na hindi ko pinag aralan ang tungkol sa breastfeeding bago ako manganak, akala ko kasi madali lang, yung tipong go with the flow haha hindi pala. Inverted at flat pa nipples ko kaya struggle talaga. Toe curling yung sakit, tipong habang dumedede si baby umiiyak ako, at kaya pala sobrang sakit dahil lacerated na yung nipple sa left as in kala ko matatanggal na siya, I even googled kung tutubo ba yung nipple pag natanggal. Haha 😅 andami kong napanuod na tutorial sa youtube, vimeo kung pano ang tamang latch, mga forums, articles even ig stories ng mga celebrity about breastfeeding nakita/nabasa ko na. And They were all helpful. Eventually umokay na, siguro it took me 1 month para maging okay and it took me 3 months para masabing confident na ko mag bf, parang ang tagal pero di ko na namalayan and it is worth it. Breastfed my bb for 2.5 yrs.
Some tips that helped me:
-nipple cream ( naglalagay ako after feeding/before maligo + mabilis naka heal ng sugat)
-may napanuod akong video tutorial ng tamang paglatch and they used real mother and baby, super helpful kasi kita mo talaga kung paano.
-sandwich method (ok to kung inverted nipples mo)
-try ka ng ibat ibang breastfeeding positions (naging helpful sakin ang football hold)
-nipple shield (ok din to sa inverted/flat nipples pero saglit ko lang sa nagamit)
-focus on you and your baby, wag papastress.
-lagi ako nagbabasa ng mga benefits ng breastmilk kasi it keeps me going (favorite ko yung antibodies kasi ikaw lang makakapagbigay nun kay baby)
Goodluck mommy, kaya mo yan! Magugulat kanalang one day na easy na lang ang pag bf. Super worth it lalo na pag makikita mo ang weight gain ni baby dahil sa breastfeeding, nakakaproud haha
Magbasa pa