Ang sakit magpabreastfeed 😭

FTM here ay nalulungkot ako na hirap na hirap akong ipa-deep latch baby ko. Sana noong naconfine ako nung sched cs may lactation consultant din na kasama sa staff na titingin sayo at magaadvise kung paano magpalatch nang tama. Nalaman ko nalang na kapag masakit, you're doing it wrong. Ngayon super tiis ako sa sakit, at naaawa ako sa anak ko na need kong ipractice magpalatch, siyempre magiging uncomfortable din siya, tas yun din pala reason kung bakit madalas siyang umuutot, at nagkaroon ng upset stomach, kasi mali pagka-latch ko. Nakakalungkot yung feeling na natatakot kang magpa-bf kasi masakit, imbis na maturing kong bonding namin ni lo yun. 1 week palang si baby, hopefully magawa ko nang tama huhu. Any tips po sana or words of encouragement? Ilang beses na akong umiyak today 😭#firstmom #pleasehelp #advicepls #firstbaby

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same mi, sa case ko naman after CS hindi makapag-latch si baby, pag-uwi, bottle-fed sya pero nagpupump ako. Naghanap kami ng lactation consultant tapos nalaman na tongue-tied at lip-tied sya bago napatanggal nag-latch na sya pero sobrang sakit. Nung natanggal may unting improvement pero gums pa rin madalas gamit nya. 😭🥲 Sana talaga makuha sa oral Exercises.

Magbasa pa
3y ago

Okay na mi, napaka dalang na nya mag-latch ng masakit. Mas naging okay talaga nung natanggal mga ties nya. Hindi rin daw talaga agad-agad mawawala yun kaya VCO before and after feeding pa rin.