Lying in vs. Public Hospital

Hi Ftm here @ 8 months. Buong duration ko po, sa lying in ako magpapaconsult. Maalaga and mababait yung midwife don and OB nila kaya kumportable ako sa kanila magpacheck up. Etong mama ko, pinipilit dn ako magpacheck up sa public hanggang sa nagtry na ako kanina. As usual madalas pag public may masusungit talaga at hindi ako kumportable magtanong. Hindi na nila ako pinabalik sa lying in dahil hindi naman daw talaga nila ako papaanakin dahil bawal daw magpaanak ng first baby ang lying in, magkakapenalty or kakasuhan daw sila at sinasayang ko lang daw yung bayad namin don. True po ba? Kasi hindi ko na din sure san ako magtutuloy na pacheck up.

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mami, lying in din ako nagpa check up at nanganak, sobrang asikaso at mababait ang mga midwife.. kung saan ka kumportable magpa check up at tingin mo maaalagaan ka doon ka. wag ka makinig sa iba.