Lying in vs. Public Hospital

Hi Ftm here @ 8 months. Buong duration ko po, sa lying in ako magpapaconsult. Maalaga and mababait yung midwife don and OB nila kaya kumportable ako sa kanila magpacheck up. Etong mama ko, pinipilit dn ako magpacheck up sa public hanggang sa nagtry na ako kanina. As usual madalas pag public may masusungit talaga at hindi ako kumportable magtanong. Hindi na nila ako pinabalik sa lying in dahil hindi naman daw talaga nila ako papaanakin dahil bawal daw magpaanak ng first baby ang lying in, magkakapenalty or kakasuhan daw sila at sinasayang ko lang daw yung bayad namin don. True po ba? Kasi hindi ko na din sure san ako magtutuloy na pacheck up.

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes may mga lying in napo na ndi na nagpapaanak ng 1st and 5th baby kasi may warning daw po ang DOH. Pero may iba lying in tumatanggap ask niu muna lying in niu if napapaanak cla ng 1st bby

Nung ako rin sa first baby ko mi sa lying in ako nagpapacheck up. Pero nirefer ako sa hospital na affiliated yung OB ko kasi bawal daw sa lying in ang first baby. (6yrs ago)

VIP Member

sa manila ba kayo? if manila kayo, try jose reyes. apaka bait ng mga OB don pati nurses. katawanan ko lang sa labor room at delivery room🤣

ganyan din ako noon hindi ako tinanggap sa lying in kasi first baby, kaya sa hospital ako pinadala. high risk kasi kapag first time manganak.

VIP Member

yung lying in sa amin tumatanggap sila ng first time manganganak. irerefer ka naman nila sa ospital pag hnd ka nila mapapaanak ei.

Pwede naman po, sa first baby ko sa lying in ako nanganak but required po talaga na OB yung maghahandle di po pwede pag midwife.

ftm din ako pero sa lying in ako manganganak, may private ob kasi dun, medyo pricey lang pero okay na, maaasikaso pa ako mabuti.

ask mo dun sa lying in if pwede. kasi may OB naman dun e. di kasi lahat ng lying in ay may OB kaya bawal magpa anak sa kanila.

pwede Manganak sa lying in kahit first baby as long as OB ung ma papaanak Hindi midwife.

sa lyung in din ako nanganak sa firstbaby pero OB ang nagpaanak sakin.