Just flexing my hubby
Flex ko lang hubby ko.. sobrang nakakaproud lang kasi na sa kabila ng nangyayari samin ngayon, di sya nawawalan ng pag asa na makakaahon ulit kami. As of now, pareho kaming walang work ni hubby. Hirap ding mag apply dahil maraming nagsarang company because of pandemic. May times na nadodown talaga ako, lalo ngayon. Dahil pakiramdam ko wala nang pag asa magkawork kami dahil sa nangyayari. May mga bills na binabayaran at may isa kaming 3 year old baby pero kahit papano nakakaraos pa kami dahil may mga tumutulong samin at nakakapag sideline minsan c hubby. At di na ganun kalakas sa gatas yung anak namin kaya kahit papano bawas sa gastusin. Everytime na panghihinaan ako ng loob, umiiyak ako sa harap nya, lagi lang nya sasabihin sakin na matatapos din to. Na kakayanin namin lahat at makakaahon din kami ulit. Na kung sino magkatrabaho saming dalawa, suportahan lang. Kaya gumagaan pakiramdam ko. At proud ako sa hubby ko dahil di man kami mayaman sa pera, pero mayaman naman kami sa pagmamahal sa isa't isa. ❤️ Kaya sa lahat ng mommies na may pinagdadaanan ngayon, mapa simple or complicated man nyan, malalagpasan din natin to ❤️ laban lang ng laban ❤️