Ano ang nangyari sa first wedding night niyo ng asawa mo?

Moms, dads, ano ang nangyari sa first wedding night niyo ng asawa mo?

Ano ang nangyari  sa first  wedding night  niyo ng asawa mo?
128 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kasalang bayan lang sa amin, hindi gaanong naenjoy ang moment kasi madaming bride at groom..tapos wala din handaan pagdating ng bahay..wala din kaming photoshoot..kasi that time wala talaga kami kapera pera..sumabay lang kami sa kasalang bayan para maging legal na kami..may anak na kasi kami nun 4 months old..kaya sinikap naming makasal na..maski yung suot ko hiniram ko lang sa kapitbahay yung puting damit..naiinggit nga ako sa ibang brides dun sa reception kasi ang gaganda nila tapos nakawedding gown pa yung iba..samantalang ako dress na pang graduation ang style..πŸ˜…tapos pag uwi namin wala na kami pamasahe..naglakad lang kami pauwi..medyo malayo pa..sobrang lungkot ko that time..di ko kasi inexpect na ganun ang magiging kasal ko..nangangarap pa rin ako na makasal kami ulit..church wedding naman sana..kaso parang hindi na mangyayari yun..nagconvert kasi asawa ko sa ibang religion..pero ako hindi..kaya di na siguro mangyayari yung dream wedding ko..at wala pa rin kaming budget talaga para sa isa pang kasal..kaya sa mga wife na nakaranas ng magandang wedding, nakakainggit kayo..😊 pero masaya ako para sa inyo..😊 sa wedding night wala din nangyari kasi nga parehas kaming pagod kakalakad..at masama ang loob ko..iyak ako ng iyak habang tulog asawa ko...naaawa ako sa sitwasyon namin..maski piso wala kami nun..wala pa kasi maayos na trabaho asawa ko nun..nakakalungkot tlga..pero wala na akong magagawa..yun talaga ang kapalaran ko eh.

Magbasa pa
4y ago

wala pong bayad