Ano ang nangyari sa first wedding night niyo ng asawa mo?
Moms, dads, ano ang nangyari sa first wedding night niyo ng asawa mo?
kasalang bayan lang sa amin, hindi gaanong naenjoy ang moment kasi madaming bride at groom..tapos wala din handaan pagdating ng bahay..wala din kaming photoshoot..kasi that time wala talaga kami kapera pera..sumabay lang kami sa kasalang bayan para maging legal na kami..may anak na kasi kami nun 4 months old..kaya sinikap naming makasal na..maski yung suot ko hiniram ko lang sa kapitbahay yung puting damit..naiinggit nga ako sa ibang brides dun sa reception kasi ang gaganda nila tapos nakawedding gown pa yung iba..samantalang ako dress na pang graduation ang style..😅tapos pag uwi namin wala na kami pamasahe..naglakad lang kami pauwi..medyo malayo pa..sobrang lungkot ko that time..di ko kasi inexpect na ganun ang magiging kasal ko..nangangarap pa rin ako na makasal kami ulit..church wedding naman sana..kaso parang hindi na mangyayari yun..nagconvert kasi asawa ko sa ibang religion..pero ako hindi..kaya di na siguro mangyayari yung dream wedding ko..at wala pa rin kaming budget talaga para sa isa pang kasal..kaya sa mga wife na nakaranas ng magandang wedding, nakakainggit kayo..😊 pero masaya ako para sa inyo..😊 sa wedding night wala din nangyari kasi nga parehas kaming pagod kakalakad..at masama ang loob ko..iyak ako ng iyak habang tulog asawa ko...naaawa ako sa sitwasyon namin..maski piso wala kami nun..wala pa kasi maayos na trabaho asawa ko nun..nakakalungkot tlga..pero wala na akong magagawa..yun talaga ang kapalaran ko eh.
Magbasa padi ako na stress sa kasal namin, kc intak na ung budget, na stress ako sa mga parents,6yrs kmi live in,w/bb girl 6yrs old,gsto ko talaga sa pastor ako ikasal kc iba ung Anointing ng Man of God,nag react both parents,nakaka dis appoint,di na nga kami humihingi,ni piso wla kmi pinalabas sa kanila,presence lng nila ang need,pero thank u padin kc they both there.un nga, after the pastor's wedding, ng civil wedding kami, Formal ceremony nmin sa pastor,Legal ceremony sa civil, pero di na kami ng reception sa civil,ng samyupsal nlng together with 2 witness.. nung wedding talaga nmin pgka gbie, wlang nangyari,kc 2 nights ng stay sa amin relatives ni hubby,pero at 3rd nyt dun na.. masasabi mo talaga iba ung Love making nyo pag Legal kayo sa Dios at sa Batas.. iba ung spark..
Magbasa pawedding ceremony palang super kaba kona..late ng natapos ang wedding namin ni hubby,from 3pm to 10pm.. umuwi muna kami sa amin to get my things, then hinatid ako ng parents and relatives ko sa house ni hubby,mother ko pa naghubad sakin ng gown (gusto ko sana c hubby🤣,in my dreams😅) pagdating namin ng bahay,mother-in law at sister lng nia inabutan namin(mother lang nman nia tlga kasama nia sa bahay) but pag alis ng parents ko,he whispered, pahatid tayo sa hotel..dahil 12mn na yun at gus2 ko ndin magpahinga,sumakay nlng ako sa bridal car..pagdating sa hotel,nagshower kaya lang walang nangyari,😁ang hirap pala pag first time..un tinutulak mo xa na ayaw mong papasukin 😜 after 5days we decided to go to Baguio at ayun..naisuko na ang bataan😅
Magbasa paMorning wedding kame, tsaka nakatulog kame both ng maayos before the wedding. Hindi nakakapagod yung kasal kasi ilan lang yung bisita, maayos yung wedding coordinator tsaka same venue yung ceremony at reception. Di nakakastress yung wedding at di rin nakakapagod kasi within the city lang din ng apartment namin yung venue ng wedding. Nakapagshop pa kame ng pagkain para sa mga katrabaho ni hubby nung hapon. Tapos kinagabihan, maaga kame humiga kase magkukwentuhan pa kame ng about sa kasal. Kaso sa sobrang excited namen na mag asawa na kame finally after years ng paglilive in, ayun, may nangyari. Hanggang madaling araw namen ineenjoy yung isat isa 🤣 Ngayon 7 months preggy na ako. Arriving na first baby namen sa first anniversary namen ♥️
Magbasa paDi kami magkatabi natulog sa first wedding night namin kasi kasama namin mga friends ko. Pero yung mga friends ko nag inuman after ng wedding namin dun lang din sa ni rentahan namin na house hanggang kinabukasan ng umaga. Kaya nag maktol ako sa kanila kasi kung alam ko lang hanggang umaga sila mag inuman sana pala magkatabi kami ng asawa ko matulog sa first night namin. Kasi pag gising ko nun saka lang din sila natulog eh😂🤦🏻♀️🤷♀️ kaya sorry sila ng sorry sa akin until now pag napag uusapan namin yun tapos tawanan nalang haha
Magbasa pamasaya at napaka grateful ko sa kasal namin dahil maraming tumulong, di namin ramdam Ang stressed at pagud glory to God, ayun nung Gabi pag ka dating namin sa hotel kwentuhan to da max 😅 tapos uminom Ng wine kumain dahil di pa kami halos nakakain sa reception haha, tapos after nun pahinga Ng kunti at naligo na kaming dalawa 😍 ayun na nga (Alam na this)😅 then kinaumagahan dapat pahinga namin together pero ninenjoy namin Yung pag ligo sa dagat kasama ng buong angkan nya 😊😍 super blessed ako Kay Lord 😇 thank you God 😘
Magbasa paFirst night as married couple, sa bahay nila hubby kami natulog noon. Pero may nakahanda na kaming lilipatang apartment after ng gabing yon. May nangyari pero mabilisan lang since marami pang bisita at lasing na c hubby. Bumawi na lang kami pagkalipat kinaumagahan sa apartment.😂ayaw pa kami palipatin nng mother in law para mas makatipid daw kami pero hello wala naman kaming kwarto sa bahay nila e dun nakatira yong bayaw ko and family nya at makakasama pa namin 2 pang bayaw ko. No privacy kami kya di ako pumayag.
Magbasa pa2 days b4 the wedding day, ndi pa ako nag period,kaya ininuman ko ng San Mig, so yun na may period na ako.. 8pm natapos ang wedding, punta kami hotel, naligo muna kami together buti nalang wala ng dugo.. kaso 1st tym namin yun sa 1st nyt, hindi kami marunong, at ang sakit, d nya mapasok. haha Spg, so yun, d natuloy, nag order nalang kami ng pagkain at natulog.. kinaumagahan, try tlga ng hubby kc nga 1st tym din nya. haha yun kahit masakit, okay lang.. fulfilling😃
Magbasa pamay pamahiin kasi sa side ng husband ko. First night namin as married couple, dapat sa house ako ng parents ng hubby ko. wala namang nangyaring honeymoon. buntis na kasi ako nun. kasal lang talaga ang nangyari and then, that's it. nakakalungkot nga eh. d ko talaga bet yung nangyari sa wedding namin. actually civil lang and we decided na sa civil lang since wala pa kami pang church. ang dami pang misunderstanding.
Magbasa paChurch wedding pero walang mga abay since pandemic naganap.☺️ Walang nangyari the night after the wedding kasi pagod din kami pareho the whole day tapos madami pang bisiting dumating gang gabi, syempre kanya kanyang bisita kaming mag-asawa siya nakaharap sa mga friends niya tapos ganun din ako at konting inuman then nung natapos, natulog na kami at the following night na kami nag love making.😂
Magbasa pa