✕

Help! Prenatal depression and in-laws

First time mom, and experiencing prenatal depression. Long post ahead :( Sorry pa-rant mommies wala akong mapag vent out-an nito. Yung hubby ko is laking Lola at yung set up namin ngayon is nandun sya sa Lola nya at ako naman nasa parents ko. Pinili muna namin na wag bumukod dahil favorable yung ganitong set up since maselan ako magbuntis. Anyway, yung Lola kasi nya grabe makialam to the point na pati pag papacheck up ko at panganganak sa hospital kine-question nya. Kesyo sya daw limang anak nya lahat sa hilot. Eh jusko pareho kaming may work ni hubby at afford namin sa private hospital. Nagpa ultrasound ako lalaki Ang result, di daw sya naniniwala kasi bilog Ang tyan ko hindi tusok. Tas palagi nyang sinasabi na Sana mama daw kay hubby yung baby na gwapo, mabaet at matalini. tumaba ako at pumangit gawa ng pag bubuntis ko, at cum laude ako nung college, ngayong working ako assistant manager na sana ako kung di ako nabuntis pero ang dating wala akong kwenta compared sa apo nya. Pati pagkakaron ko ng kamot pinagalitan ako kesyo kinakamot ko daw kasi tyan ko. Eh never ko nga kinamot, in fact bumili pa ko ng oils and lotion para maprevent Sana yung kamot pero lumabas talaga kahit Anong alaga ko sa sarili. Ang pinaka kinakaiyak ko ngayon eh yung lagi nyang sinasabi na kukunin nya Ang baby ko, "alay" daw. Since bubukod na kami ni hubby after ng recovery ko panganganak dapat daw sa kanya na yung baby. Di ko sa binabalewala yung way nya kung paano nya pinalaki ang mga anak nya at apo pero may ways sya na di ako sang ayon. Anak ko pinag uusapan pero gusto nya sya masusunod. Kanina habang kavideocall ko si hubby since dumadating na yung mga binili namin online na gamit ni baby, gusto pa pagkapanganak ko sa kanya na yung baby since nasa kanila na naman yung gamit. Sa sobrang galit ko inaway ko nalang through chat yung hubby ko. Ang hirap ng set up. Feeling ko surrogate lang ako ng baby na to. Para akong sasabog. Nag uumpisa na naman na ayawan ko tong baby kasi unplanned naman ang pag dating nya. Nagagalit ako kay baby kasi di ko sya gusto at nahihirapan lang akong dalhin sya at naaapektuhan yung career ko. Alam ko na naiisip ko lang to gawa ng prenatal depression ko. Pero natitrigger ako palagi dahil sa Lola ni hubby. :( Ang sama sama na naman ng loob ko ngayon. At pag masama loob ko ginugutom ko sarili ko at di ko iniinom vitamins ko. In a way gusto kong parusahan sarili ko at si baby. Pero pagka okay na ko, nagsisisi ako sa ginagawa ko. Healthy po si baby, malakas Ang heartbeat nya and I'm on my 33rd week na din.

2 Replies

hays nku real talk kita ah 1. Hnd ka pala ready mag buntis bkt hnd ka nag contraceptives? nandyan na yang anak mo kaya dpt maging responsable kang nanay. wag mo idamay ung baby kasi hnd naman nya ginusto na kayo ang maging parent nya. 2. Gano katagal na ba kayo ng hubby mo? or LIP lang ba yan? Alam mo ba na ganyan ang ugali nga lola nya? in laws mo? for me dpt mo sisihin is ung hubby mo! Anong ginagwa nya habang ganyan ka itrato ng lola nya? wala? dedma? its means lola's boy yang hubby mo! Kasi ako naniniwala ako na khit gano pa kasama ugali ng inlaws mo if ikaw ang priority ng asawa mo wala silang magagawa. Kaya nga dpt tayong mga babae mataas standard natin sa lalaki. Dhil sila ang magiging tatay ng anak natin at Hnd nila mapipili ang tatay nila pero dpt tayo sana ung namili ng lalaking Top priority tayo. 3. Kung ako sayo, kausapin mo hubby mo anong set up nyo pag labas ng bata. Bumukod kayo malayo sa lola nya! ang mag asawa dpt magkasama, kapag gusto mdming paraan kapg ayaw mdaming dahilan. If hnd ka kayang gawing top priority ng hubby mo then sorry be ready to be single mom. Kasi yang lola nya ang sisira sa pagsasama nyo if wlang gagawin ang hubbt mo. You can fight for him if he cant even defend you sa lola nya. Wala eh mas mdmi ngayong lalaki mambuntis lang alam pero hnd kayang maging responsableng partner at tatay sa anak. 4. sana maliwanagan ka,cum laude ka be practical sis. Wag mo sayanhin ang sarili mo sa lalaking hnd ka kayang mahalin,alaga, at protektahan. The moment na laitin ka ng family nya sya dpt ang unang magdedefend sayo. If he canr do that then wag ka na mag aksaya ng effort kasi wala kang mapapala sa ganyan lalaki. Maniwala ka, Minsan hnd palagi puso pinapairal. Mahalin mo sarili mo. PS. Hnd ako galit, sa panahon natin now mas independent na ang babae. wag ka matakot, nandyan na ang baby mo. ang greatest blessing at angel ng buhay mo. Sya gawin mong inspirasyon. wag ka papayag na kunin nila anak mo.

di bat dapat kayo magksama ng asawa mo at inalalayan ka nya? bat pumayag ka ganyan set up. wag mo itolerate ang pag ka lola's boy nya.. mahirap yan.. sya dapat unang taong proprotekta sayo mentally and physically lalo na maselan pag bubuntis mo. have a conversation with your husband, vent out. yung lola wag mo masyado problemahin wag mo pakinggan isipin mo nalang matanda na. your baby your rules.. have a strong personality mi for your baby.. wag na sana idamay si baby bka may mangyari pa. mas lalaki ang problema mo ikaw lang inasahan nyan.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles