Is my first born stressed because of the pandemic or the fact that I'm giving birth to Baby #2 soon?
The first time we broke the news to him, we witnessed how his eyes sparkled at talaga namang he was genuinely happy learning he's gonna be a Kuya na. We always made sure he's involved sa lahat ng bagay — decision making sa names, on what things to buy for him and for the baby, etc. Kapag kaming dalawa lang, madalas kaming mag-usap at kinakamusta ko siya how he feels. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyayaring pandemic or sa papalapit na panganganak ko na, at biglang nagbago ugali ng panganay ko. He would usually interfere kapag may kausap ako, he'll push my limits at talagang di siya titigil hangga't di niya ko nakikitang galit. Hindi na siya nadadala sa isang tingin lang, o kahit yung approach ko na kalmado siyang tatanungin what he wants. Di siya nagto-throw ng tantrums pero nang-aasar. Gets niyo ba? Haha. On a side note, hindi naman siya palalabas at di siya tipong mahilig makipaglaro sa ibang bata because he usually plays on his own. Kaya I don't think it's the lockdown causing him stress. Kayo, momsh? Anong advise ninyo?