5weeks pregnant, pero wala pang heartbeat at di pa kita si baby :( nawawalan ako pag asa

First prenatal check up. No heartbeat. 5 weeks na me

5weeks pregnant, pero wala pang heartbeat at di pa kita si baby :( nawawalan ako pag asa
77 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kalimitan ganyan talaga, ako 4weeks and 6 days una kong tvs sac palang nakita, pagbalik ko ng 7weeks and 4 days ko, nakita na si baby atsaka yung heartbeat nya❤️ wag mawalan ng pag asa, around 7-8 weeks may heartbeat na yan sis😊 positive thoughts lang always😊

4y ago

Ganyan tlga balik ka ulit after 2 weeks meron na yan. Ganyan din Yung skin.

Wag k mawalan ng pag asa aq nga 6weeks ng ngpa check up pero walang heartbeat sav sakin balik aq after 2weeks s awa nmn ng dios 22weeks & 6days n po kmi onting push pa🥰 dasal lng po at inumin ang mga vitamins n baby lalo n ang folic nkakatulong po un ingat po taung mga mommy☺️

Hello Momsh! Baka next balik mo meron na yan 🥰 Sakin kasi mag 2 months na akong delayed pero di siya nakita sa utz, akala namin di ako pregnant. Bumalik kami the next month and boom, 9 weeks na pala si baby! I am 22 weeks pregnant today ❤️ Keep praying, Mommy! 🙏🏻❤️

Masyado pang maaga momshie, ako nung first utz ko 5weeks 2days wala pa c baby sac palang pero pag balik ko after 2weeks ayun nakita na c baby at may heartbeat na .wag paka stress momshie makakasama sayo un . ❤️think positive lng po tyo palage .

That’s fine mommy. Too early pa po kasi. Usually 3 months ang checking ng heartbeart ni baby or minsan hindi talaga agad nadedetect, wala ka mawalan ng hope. Stay positiove for ur baby and also pray, wag ka rin paka-stress. ❤️

Ako nga 9eeeks pa bago kita pero Hindi ako nawalan ng tiwala ikaw na napaka liit pa nawawala na agad ng tiwala😢HuwAg ganun kong para sayo yan ibibigay yan sa Diyos malaki na gagawa ng pananampalataya kisa mag alala ka

Too early pa, mamsh. Ganyan din ako sa Baby ko. I was 5 weeks/5 days when I had my first tvs, wala pang hb si Baby. The following week bumalik ako for another utz, ayun may hb na. Pray lang and be optimistic. ☺️

May nga times po na mahirap mahanap ang heartbeat ni baby lalo na kung hindi pa siya totally buo. Hehe. Be positive lang mommy and pray. You need to rest din and wag magoverthink kasi makakaaffect kay baby yun. 🥰🥰

4y ago

Maraming salamat po ma’am 💕💕

VIP Member

early pa sis, ganyan din ako nun 5week and 5days palang pero wala pang heartbeat wala pa din fetus nun, fetal pole, yolk sac at gestational sac palang ang meron nun, pero now 7months na akong preggy

too early pa po..ako po 1st prenatal ko 4weeks no heart at sac palang sya. pinabalik ako after 2weeks. nung 6 weeks n po bumalik ko at yun my heartbeat na po sya. wag ka po mawalan ng pag asa 😁