Misunderstanding
It's my first pregnancy and I dont feel my partner's whole support for me and our baby. I complain about backaches, pamamanhid ng kamay at paa at iba pang mga discomforts na nararanasan ng buntis pero magsasabi lang sya ng mga sweet words (dinadaan lang sa lambing saglit), never man lang magkusa na masahihin ako at kahit magpamasahe ako ay panay sya "mamaya" hanggang sa makalimutan na. Ako parin ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay kahit di ako sanay at mas mabilis nako mapagod. Lalo na pag matagal nakatayo, nakayuko at pag naglalaba pero di man lang nya ako tulungan sa ilang gawaing bahay. Pagkagaling sa work kung san san na lang iiwan mga pinaghubaran at gamit sabay COC agad. Mother ko din lagi kasama ko sa check up dahil may trabaho kamo sya. Ilang beses ko na sya kinausap at naglalabas ako ng hinanakit ko pero hindi sya naimik tas susuyuin lang uli tapos repeat. Then I decided na supportahan nya na lang kami ng anak namin, pagkain, upa sa bahay. Habang pag aaralin ko sarili ko at pag may trabaho nko ay bata na lang suportahan nya. Im 20 and he's 24 pero napaka immature parin nya. Kung umasta ay parang di pa magiging tatay. Buhay binata padin. Panay Coc padin. Pero di nmn sya sobrang walang kwenta. Talagang asta nya lang ay pang magjowa lang. At ang hinahanap ko ay yung maramdaman ko man lang na priority na talaga kami ng anak nya. Both moral and financial support. Yung maramdaman ko man lang na inaalagaan kami.??? Share ko lang.