Worst Places Para sa Buntis

Fiestahan, Birthday etc. basta may handaan. 1. Body shamers "Lalaki ang anak mo sigurado ako! Pano ko nalaman?" *Fake smile lang ako, mahabang pasensya* "ampanget mo eh" ( May pag kurot at hampas pa sabay tawa). Bukod pa syempre yung pupuna sa maitim na leeg mo, katabaan at tagihawat. 2. Touchy Tuwing may mapapalapit saken hinahawakan ang tiyan ko, minsan hinihimas pa! Parang makakapagpagaling ng karamdaman si baby kung makahimas eh hahaha 3. Pamahiin hindi palalampasin ng mga seniors ang mga paglabag na nakikita nila sa kanilang "pamahiin code" tulad ng pagpulupot ng scarf sa leeg atbp . 4. Smokers Iwas na iwas ako sa 2nd hand smoke kaya tadtad ng sign ng "no smoking" ang tindahan namin, pero pag nasa handaan ka wala kang choice kundi wag nalang masyadong huminga, lumayo o takip nalang ng ilong. Yung iba kc alam na nila na masama lalo na sa buntis wala lang talagang pakialam. ?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Buti na lang work ko lang nakakapagpa-stress sa akin sa pagbubuntis ko πŸ˜…. 1. Body shamers Pag nakikita ako ng mga kliyente namin at suki sa divisoria, lagi nilang hula girl ang baby ko. Pag sinasabi kong boy nagugulat sila kasi maganda daw aura ko (hindi po sa pagmamayabang πŸ˜…). Buti na lang talaga singit lang umitim sakin, yung kili-kili mild lang, yung batok same pa rin, hindi naman umitim. 2. Touchy Since every week ako namimili sa divisoria, hindi ko maiiwasang hawak-hawakan ng mga suki kong suppliers don yung tummy ko, kahit mga bumibili lang din nakikihawak, ang tulis daw kasi πŸ˜…. Basta lahat ng makasalubong mo parang may magnet yung tyan mo na matik nang hahawak sila 3. Smokers Pinaka-unsafe part ng pagbubuntis, kaya dapat talaga lagi tayong naka-mask. Yung tatay ng partner ko na naninigarilyo,pag nandon ako sa kanila, lumalabas sya ng bahay kapag masisigarilyo sya. Sa work ko naman, yung mga drivers ang lumalayo pag nakikita nilang dadaan ako tapos naninigarilyo sila. 34weeks preggy here πŸ‘‹πŸ‘‹πŸ‘‹ Konting sipa na lang πŸ˜πŸ˜…

Magbasa pa
VIP Member

Hay nako totoo yan kaya ako mamsh ayaw ko nalang naglalalabas ng bahay. Worst na ayaw na ayaw ko naririnig is una tatanungin ako ilan months na si baby after that sasabihin na "bat parang maliit?" Di ba nila alam kung gaano nakakaparanoid ung ganon. Pikon pa man din ako 🀣 kaya sinasagot ko nalang na "hindi ko naman mailalabas ung malaki mas okay kung palakihin nalang siya paglabas niya". Kung pwede ko lang dalhin mga ultrasound results ko twing lalabas ng bahay at ipakita na normal ang laki ng baby ko gagawin ko na nexttime 🀣🀣 hahahaha!! Just sharing lang mamsh.

Magbasa pa
5y ago

Haha sakin Naman bakit daw sobrang laki. 7 mos palang Kung paanakin na daw ako hahaha. May pagka insensitive Lang talaga ibang tao, Hindi pa namn natin ma control Ang emotions natin minsan pag ganitong buntis

Hahaha. I remember nagninang ako sa binyag then 5 months na kong pregnant nun, yung friend ko na inanakan ko sa binyag sabi lalaki daw kase ang panget ko na daw hahaha, sinagot ko siya sabi ko " ikaw lang nagsabi niyan day" which is true, my friends and some of my relatives sinasabi na walang pagbabago sakin parang di ko buntis, turns out na we're having a baby girl. Ayoko din hinahawakan ng ibang tao yung tiyan ko ng bigla πŸ˜… when it comes to secondhand smoke, pag nag smoke papa ko sa loob ng bahay napasok nalang ako sa kwarto para di kami magtalo.

Magbasa pa
5y ago

Kaya nga hindi totoo yung pamahiin na yan haha. Huhusgahan ka sa appearance mo eh ang hirap kaya magbuntis regardless kung lalaki or babae haha!

Nako ingat din sila sa mga buntis malakas maka usog buntis baka mamaya mag sisi sila. Naalala ko friend ko nun buntis may nakasabay na babae na maputi walang tigil sa kakabati ganda daw nya ganda daw ng kutis parang napag lihian nya. Ayun dahil di sya kilala hinanap talaga sya nung babaeng binati nya nag iiyak kasi kung ano ano tumubo sa balat nya muka gang paa. Nag pa albolaryo daw sila nakita nga ng albularyo na nabati sya ng buntis. Kaya pinahanap saknya yung bumati para buhusan sya ng tubig. Ayun gumaling sya.

Magbasa pa

Super true. Lalo na ung smoker. Hanggang ngyon na dito na si baby, kung makasigarilyo ung mga tao, kala mo walang buhay pwedeng madisgrasya. E baby un. Minsan hihiramin pa e amoy sigarilyo. Nakakabanas lang. Kaya minsan ilag na rin ako sa mga invite na yan kasi kawawa naman anak ko. Well medyo overprotective lang pero wala naman siguro mawawala if paminsan minsan e di sya e expose.

Magbasa pa
5y ago

Ang hirap nga nun momshie pag ayaw mo iphiram kase kakayosi Lang kaso ayaw mo maka offend hehe tapos kikiss pa Kay baby 😝 Yung iba nga nilalawayan pa haha

Samee πŸ˜… Lalo na nung nag wowork ako Ung nag dedeliver samin Hinimas yung tummy ko sabay sabi "Babae yan." Ei hndi ko pa sure ksi di pa ako nag paultrasound. Tapos humawak ulet sabi "Sure ako babae yan" Lalake pa nmn ung nag dedeliver -.-

Magbasa pa
5y ago

Hahaha Kaya nga ii.

VIP Member

Naku ganyan nga mamsh.. kakainis ung pamahiin dto samen.. ung bawal magluto ng malunggay pag may kamag anak na namatay.. kahit napakalayo na na kamag anak.. nakailang patay na dto kaya kht gsto ko madalas mag malunggay bawal..

5y ago

Salamat ka sis di uso sa inyo.. haha.. kht gsto ko gaya ngaun meron daw patay d hindi ako makapagluto..

VIP Member

Mahirap iwasan yung mga naninigarilyo kahit di ka magpunta sa mga occassions. Pag working mom ka, madalas yan. Kaya palagi akong nakaface mask pag nasa labas ako.

very true.super iwas ako sa mga smokers kulang na lang lahat sila pagsabihan ko na its dangerous for you and for everyone's health..hahahaha

VIP Member

Ung father ko madalas kami mag away kse chain smoker minsan sa loob pa ng bahay.. ay kainis ..lage pati nya aq ini stress..hays