Worst Places Para sa Buntis

Fiestahan, Birthday etc. basta may handaan. 1. Body shamers "Lalaki ang anak mo sigurado ako! Pano ko nalaman?" *Fake smile lang ako, mahabang pasensya* "ampanget mo eh" ( May pag kurot at hampas pa sabay tawa). Bukod pa syempre yung pupuna sa maitim na leeg mo, katabaan at tagihawat. 2. Touchy Tuwing may mapapalapit saken hinahawakan ang tiyan ko, minsan hinihimas pa! Parang makakapagpagaling ng karamdaman si baby kung makahimas eh hahaha 3. Pamahiin hindi palalampasin ng mga seniors ang mga paglabag na nakikita nila sa kanilang "pamahiin code" tulad ng pagpulupot ng scarf sa leeg atbp . 4. Smokers Iwas na iwas ako sa 2nd hand smoke kaya tadtad ng sign ng "no smoking" ang tindahan namin, pero pag nasa handaan ka wala kang choice kundi wag nalang masyadong huminga, lumayo o takip nalang ng ilong. Yung iba kc alam na nila na masama lalo na sa buntis wala lang talagang pakialam. ?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Buti na lang work ko lang nakakapagpa-stress sa akin sa pagbubuntis ko πŸ˜…. 1. Body shamers Pag nakikita ako ng mga kliyente namin at suki sa divisoria, lagi nilang hula girl ang baby ko. Pag sinasabi kong boy nagugulat sila kasi maganda daw aura ko (hindi po sa pagmamayabang πŸ˜…). Buti na lang talaga singit lang umitim sakin, yung kili-kili mild lang, yung batok same pa rin, hindi naman umitim. 2. Touchy Since every week ako namimili sa divisoria, hindi ko maiiwasang hawak-hawakan ng mga suki kong suppliers don yung tummy ko, kahit mga bumibili lang din nakikihawak, ang tulis daw kasi πŸ˜…. Basta lahat ng makasalubong mo parang may magnet yung tyan mo na matik nang hahawak sila 3. Smokers Pinaka-unsafe part ng pagbubuntis, kaya dapat talaga lagi tayong naka-mask. Yung tatay ng partner ko na naninigarilyo,pag nandon ako sa kanila, lumalabas sya ng bahay kapag masisigarilyo sya. Sa work ko naman, yung mga drivers ang lumalayo pag nakikita nilang dadaan ako tapos naninigarilyo sila. 34weeks preggy here πŸ‘‹πŸ‘‹πŸ‘‹ Konting sipa na lang πŸ˜πŸ˜…

Magbasa pa