WALA AKONG KWENTA ??

Feeling ko wala akong kwentang ina. Nung 9 pa ako nanganak pero hangang ngayon wala pa rin ako gatas. Awang awa na ako sa baby ko. Nasa NICU pa sya. Gatas ko nalang ang maitutulong ko sa kanya pero wala ako ma pump. Nakaka depress ?????

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

The fact na nageeffort ka para atleast may lumabas na gatas sayo eh malaking bagay na mommy. Nagttry ka and that's enough. Hindi ka walang kwenta. You're doing amazing. Pump lang mommy, kung kaya mo 8x day. Inom ka malunggay capsule, masasabaw. Wag kang matatakot o mahihiyang humingi ng tulong.