INIS SA PAMILYA NI HUBBY

Feeling ko ang sama sama ko kasi nabubwisit ako sa pamilya nya. Pera kasi tingin kay hubby. Wala na nabibili para sa sarili nya si hubby nung mag bf palang kami kasi lahat bigay sa kanila. May 3 sya batang kapatid. Ngayon nagpaplano na kami mag pakasal kasi buntis ako kaya nag iipon talaga kami. Etong pamilya nya tuwing tumatawag ang laging bukang bibig " wala kami pera" " marami na utang na tindahan" wala choice si hubby kundi magbigay. Mga bata pa magulang nya nasa late 40's. Di ko masabi sa hubby ko na naiinis ako kasi alam kong magagalit siya. Pero sana naman hayaan nya gumawa ng paraan ang magulang nya. Masama ba ko para mainis? Minsan iniisip ko nalang na ok yung responsible sya. Nastress ako kasi may baby kami na parating.

INIS SA PAMILYA NI HUBBY
20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Minsan sis mag open ka sa mister mo. Ako ganyan kame e. Problema ko din yan nung umpisa. Mas panget kasi na di mapag usapan yang ganyan. Pero thankfull ako sa mister ko kasi siya lang nagwowork sameng dalawa pero naiintindihan niya na pag humiram pamilya ko saken is okay lang. Ganon din siya sa pamilya niya. Lagi nalang niya sinasabi saken na 'mas okay ng tayo ang nagbibigay, kesa tayo ang humihingi' kung nakakaluwag tayo tayo nalang umintindi' kaya nawala worries at inis ko dahil nga malaki puso ng asawa ko pagdating sa pamilya. 'May awa ang diyos' God will provide ' swerte nga ng baby naten e ' pero kita muna naman ngayon. Hindi na humihingi sa kanya at tinutulungan pa kame ngayon na malapit na ko manganak. 😇🙏

Magbasa pa