INIS SA PAMILYA NI HUBBY

Feeling ko ang sama sama ko kasi nabubwisit ako sa pamilya nya. Pera kasi tingin kay hubby. Wala na nabibili para sa sarili nya si hubby nung mag bf palang kami kasi lahat bigay sa kanila. May 3 sya batang kapatid. Ngayon nagpaplano na kami mag pakasal kasi buntis ako kaya nag iipon talaga kami. Etong pamilya nya tuwing tumatawag ang laging bukang bibig " wala kami pera" " marami na utang na tindahan" wala choice si hubby kundi magbigay. Mga bata pa magulang nya nasa late 40's. Di ko masabi sa hubby ko na naiinis ako kasi alam kong magagalit siya. Pero sana naman hayaan nya gumawa ng paraan ang magulang nya. Masama ba ko para mainis? Minsan iniisip ko nalang na ok yung responsible sya. Nastress ako kasi may baby kami na parating.

INIS SA PAMILYA NI HUBBY
20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pag ganyan sinasabe ko sa lip ko. Kasi dapat open kayo sa isat isa. Kahit ano payan kaya nga partner kayo e sabihin mo sakanya wala naman masama maglabas ng saloobin. Di naman siguro magagalit baka maintindihan kapa. Ganyan lip ko pero lagi sinasabe hayaan nalang as long as di naman nag kukulang asawa mo sa pag sustento at pag alaga sayo

Magbasa pa

Mag usap kayo. Kailangan niyong paghandaan ang kinabukasan ni baby. Kung nagkakaroon na kayo ng utang makapagsustento lang sa iba. Mali na po. Maiintindihan naman kayo ng magulang ng asawa mo. Nagpalaki din sila ng anak. Sa ngayon, mas mahalaga ang kapakanan ni baby dahil di pa naman niya kayang magtrabaho o pakainin ang sarili niya.

Magbasa pa
VIP Member

Okay lang mainis mommy dapat nga sabihin mo sa partner mo na may responsibilidad na sya ikaw yun at ang magiging anak nyo. Bakit di mo i suggest sa partner mo na bigyan ng negosyo parents nya maski sari sari store ng hindi asa ng asa. Bata pa magulang nya para hindi magbanat ng buto, siguro sinanay din yan ng partner mo.

Magbasa pa

Better mag usap kayo ng masinsinan momsh. Okay lang naman magbigay sya, pero dapat mas priority nya na kayo especially if you’re going to start a family na. Andami nyo na din kasi paglalaanan ng budget. Dapat gumawa naman ng paraan ang parents nya. Mag open up ka sa kanya about savings for your plans.

Magbasa pa

Same tayo ng case mommy c hubby lahat nagbabayad ng bills sa bahay nila pagkain lahat² mga maarti pa mga kapatid nya. Tsaka nakikitira pa may asawa nyang kapatid.. Naawa na nga ako sa asawa ko Hindi na makapag ipon.. Pero sa ngayon nag uumpisa na kami sa pag Plano at pag gawa ng sarili naming bahay..

Magbasa pa
5y ago

Ganyan din kami sis. Tapos pag handaan nakaka hanap ng pera pang kain wala

VIP Member

Kausapin mo po si mister . better po if magkakausap kayo ng masinsinan kase po nagbubuild na po kayo ng family of your own. isa pa d na po dapat iasa pa sa kanya ng parents nya ang gastusin nila d pa naman sila ganun katanda. tumulong man siya or hindi dapat magpasalamat pa din magulang nya .

VIP Member

Mommy, importante na magkaroon kayo ng open communication. Mas lalo lang kasi ikaw maiinis kapag nandiyan na si baby at marami ng gastos tapos ganiyan pa rin ang nangyayari. Kailangan niya kausapin ang pamilya niya. Hindi naman sa papabayaan sila pero dapat may limit din.

Momshie! Wag mstress sa problemang ganyan. C baby po ang maaapektuhan.. I learn my mistake nagpadala ako sa stress at baby ko na apektuhan.. They will suffer po...

Just let your future husband help his family, pamilya niya pa din yon, pero dapat mas priority na rin niya kayo ngyon ni baby. Better talk to him how you feel. :)

Isa lang masasabi ko,Ang pag- asawa ay pinaghahandaan.