Resentment to Partner

Hello everyone. I just wanna share my thoughts and just wanted to genuinely ask if valid ba feelings ko or emotional lang talaga ako. We are unmarried couple na may 3 months old baby. The setup is I'm here sa province para mag alaga kay LO while si partner sa Manila nagwowork. This past few days naiinis po ako kay partner. Ever since new year kasi di na sya nakadalaw sa amin pero alam ko naman na sakto lng natitira sa sahod nya. Hindi ko lang po alam if tama ba na mainis ako sa kanya. Naiinis ako na sya nagagawa nya hobbies nya sa basketball. Nakakapag ML sya, nakakatulog sya ng mahimbing while ako lang nag aalaga kay LO. Madalas din alam nman nya na limited lang pag chat ko dahil pag tulog na si LO need ko na rin matulog ng maaga sa gabi dahil gigising ulit sya ng madaling araw pero mas nauna pa mag mobile legends kesa magbigay ng time sakin. Gusto pa nya magkanumber 2 baby eh sa panganay pa nga lang namin di nya maalagaan kahit weekend. Need pa namin mag ipon sa bahay at kasal namin tapos yun agad gusto nya. Unti unti na po akong natuturn off sa kanya. Happy naman po ako na magkasama kami ni LO pero lagi ko iniisip na ang unfair. Parang buhay binata pa rin sya samantalang buong buhay ko nagbago. Please let me know if tama lang mainis sa knya or overreacting lang ako. Thank you sa sasagot. 🙏#adviceplease #firstmom #firstimemom #salamat_po_sa_pagsagot #FTM #newmom

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

valid yang feelings mo mhie.lalo na 3mos plng baby nyo.andyan lahat ng pagod,puyat at kung ano2 pa. but anyway, unang una WAG NA WAG KANG PPABUNTIS ULI. Mgpills ka if u need to. syo n nggaling na buhay binata sya at walng time syo to think ldr n nga kyo,.wala png effort.. much better if kausapin mo sya sa nrrmdaman mo. ung mga bagay n gusto mo mngyari sa relasyon nyo,iopen mo din. tignan mo kung ano ssbhin at kung mgbbago ba sya para sa ikakabuti ng relasyon nyo..at kung wala pa din ngyare, wag kna mgbalak pkasalan yan.at wag n wag kna mgpbuntis. b4 ldr din kmi ng hubby ko nung mg gf/bf plng kmi. aftr nmin ikasal, nagsama na kmi hndi pwedeng ldr padin. which is gnon nmn tlga ang tama at dpat. then aftr a year, dun lng kmi ngkababy. at kht san pa sya mgwork,lagi kming ksma mag ina.. ang point ko dto is dpt alm mo kung ano ung gsto mong mngyari sa relasyon nyo at dapt malinaw un sa knya..wag ka ppyag na kung ano gsto nya is mkukuntento ka lng dun. sbhin mo mgsama na kyo tutal may baby na kyo. in the first place, kung ssbhin nyang dipa nya kaya eh bat ka nya binuntis kung dipa pla sya ready mgpamilya.

Magbasa pa

I also think your feelings are normal and valid. Minsan, I also feel it's unfair na nagagawa pa rin ni hubby lahat ng gusto nya hindi tulad ko na hindi magawang iwan si lo for a whole day. Pero hindi naman pabaya si hubby, alaga nya kami pareho ni lo at hindi naman sya nagkukulang sa amin. Ang iniisip ko na lang ay mabuti na yung kahit isa sa amin ay nakakapag-unwind kahit papaano. Babawi na lang ako kapag malalaki na ang mga bata. Pero sa case nyo, mukhang malaki rin talaga ang pagkukulang pa ni partner. Pag-usapan nyo po ng mahinahon at maayos, baka unaware lang din sya sa mga epekto ng ginagawa o hindi nya ginagawa para sa inyo.

Magbasa pa

Yes. Valid ang nararamdaman mo mii. I always believe sa saying na, pag gusto may paraan. Pag ayaw, maraming dahilan. It's always about setting your priorities straight. At eto yung lacking sa asawa mo. LDR kame ng husband ko nung nagstart kame ng family. Pero lagi niya kame inuuwian kapag weekend. To think 12hrs a day/6x a week ang pasok nya. Ang point ko dito, talk to ur partner. Yung masinsinan. See if he will change / try to be a better partner. Then you decide ano gagawin mo sa relationship nyo.

Magbasa pa

Normal and valid mi, kaya ka naiinis dahil dnya nagagampanan being a father to your child. isa pa mi napaka Immature naman po niya dapat kayo priority niya 🥹 kahit naman siguro ako ok lang naman mag basketball d lang babad sa laro pa minsan2 lang.. iba na kase minsan pag ganyan wala halos time sa inyo like puro barkada na lang dn at laro uma astang binata ikanga.. Para ma divert thinking mo mi, mag NEGOSYO ka para maging busy utak mo 💪🏻 KAYA yan malakas tayo!!

Magbasa pa

Yes. VALID po ang nararamdaman mo and it's totally fine. Ang ma advice ko lang, is better na e open mo sakanya sa maayos na pag uusap. Malay natin marealize niya ang mali niya at maintindihan ka niya. Wag lang pangunahan ng inis, both dapat kayo e extend ang patience and understanding sa isat-isa. Lahat ng bagay ay nadadaan sa maayos na usapan.

Magbasa pa