need comfort.. (long post)

eto na naman.. so first ko siya sa lahat. unang pinakilala sa parents unang bf, hanggang sa naging partner ko na nga siya. as in sa lahat siya nakauna. mabait akong tao alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama o naaapakang tao pero bakit ganto di pa ko nanganganak nagloloko na naman siya bakit sakin nangyayari yung ganto sitwasyon hindi ako prepared una palang bakit paulit ulit nalang ako nasasaktan alam kong hindi ko deserve yung ganto pero eto na naman nagsstay ako baka sakaling magbago kuno siya excited sa baby pero ako parang napipilintan na ewan dahil siguro sa mga pinaggagawa niya :( nung december nahuli ko nkikipagvc sa skype gamit laptop.. nung may nahuli ko nkakalandian officemate inaway away ko siya pati yung babae.. ngayon naman august na malapit na ko manganak nahuli ko na naman ka officemate din niya ibang girl naman yung babae na yun dumadayo pa ng inom sa bahay namin tas lahi niya inaaya partner ko tas sa kanya nagpapahatid like wala ba siya pang grab or pamasahe:( kinausap ko na yung partner ko about dun pero sabi niya wala lang daw yun gusto ko kausapin yung babae na wag naman sana patulan yung partner ko nakakaiyak lang ako yung nagmamakaawa.. kasi nangako siya na di na niya uulitin. binabasa ko nang paulit ulit yung convo nila nasasaktan lang ako lalo.. parang nasa isip ko "ah okay, naulit na naman haha anong bago" ganun freling. sabi niya lilipat na siya ng trabaho pero mukhang walang balak kasi hirap siya makahanap di siya nakapagtapos ng pagaaral. di ko na kaya :( ubos na ubos na ko.. gusto ko siya gantihan sa mga ginagawa niya sakin. pero kung gagantihan ko siya tulad ng sa ginagawa niya sakin wala naman pinagkaiba yun dba. love na love siya ng family ko. pero ako diko na alam sa sarili ko baka kaya ako nagsstay kasi may baby na kami ang hirap ng ganto kung ano ano na naman pumapasok sa isip ko.. ang dami kong stretchmarks, ang taba ko pa basta hindi ko na gusto itsura ko ang losyang kong tignan. gusto ko magpaganda kaso naiinip ako ang tagal lumabas ng baby ko kahit anong pilit ko paglalakad ng mahigit 1hour, squats, pineapple nagawa ko na para lang mailabas ko yung baby. pakiramdam ko nga maddeppressed na talaga ako tuluyan yung tipong paglabas ni baby aayawan ko siya di ko siya gugustuhin makita kasi sa buong pagbubuntis ko puro pasakit lang yung ginawa sakin ng partner ko :( nalulungkot ako para sa sarili ko. anak ko siya sa pagkadalaga ko. diko na talaga alam gagawin ko. sana may makaintindi sakin dito sa app na to. sobrang lungkot ko lang, di na ko masaya sa buhay ko

37 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same here poh sis ganyan din nangyari sakin when i was preggy pa.. 2 months pa akung buntis nahuhuli q cxa ng loko sakin nang hingi ng sorry pinatawad q din umulit 3 months naq nun d q na kaya kaya inaway q siya sabi q stressed na stressed aq sayo puro ka lng pangako lage aq umiiyak nun sabi q sa kanya sis kapag may nangyari samin ni baby kasalanan niya sabi q anu pa bang kulang sakin huh.. Ng usap kami sis as in ng iyakan kami 2 tapos pinapapili q cxa sabi q kami o yang babae mo pumili ka kung sino yung mahalaga dun ka.. As n iyak naq ng iyak.. Pero sinumbong q cxa sa mga kapatid niya na ganun nga kaya yun pinagalitan cxa sabi niya d na daw niya uulitin magbabago na daw cxa para samin ni baby kaya yun sis binigyan q cxa 2nd chance sabi q ubos na yung chances kaya pag umulit ka pa ba bye nah ang sabi q trust at faithful ka dapat taz magiging ama ka na kaya magbago ka hay salamat namn sa panginoon at ng bago cxa okay na okay na kami sis 7 months na baby namin now at wala ng babae siyang kina ka chat or whatever pa jan.. Kac kung handa talaga ang isang tao magbago magbabago at magbabago cxa kaya pray ka at wag kang mawalan ng pag asa at isipin mo yung ikakabubuti ni baby at sayo. Fight lng poh my awa c God dinggin niya sana hiling mo

Magbasa pa
VIP Member

Sis okay lang magalit ka sa partner mo pero wag ka po magagalit kay baby mo po. Pagpray mo alisin ni Lord yung lahat ng naiisip.mong masama para sayo at para sa baby mo.. Mahirapa tlga pag gnyan naging partner mo milagro nlng pag nagbago, wag ka magself pity na kesyo feeling mo ampanget mo na kaya sya nambababae.. Choice niya yun. Kung sa tngn mo hndi mo na siya mahal okay lng yun kasalanan nya yun dahil binabalewala ka nya. Pero mommy wag mo po sisihin si baby mo po, wala po siyang kasalanan, isipin mo po blessing po yan si baby sa kabila ng kalokohan ng daddy.. Si baby na lng po isipon mo po, saknya mo nlng.ibuhos lhat ng love mo. Tas kung sa tngn mo kaya mo na, iwanan mo nlng po partner mo hndi yung ikaw pa po.maghahabol pero syempre depende sa situation ikaw po.makakaalam niyan sa tamang panahon, sa tamang oras. Yun lang po. Godbless po!!! Fighting! ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡

Magbasa pa

alam mo mommy kung sino magmamahal sayo at first sight? yung baby mo. โ˜บ๏ธ tipong kapag nagsasalita ka, kahit bagong anak palang sa kanya, nagrerespond sya. yung tipong ang sarap lang sa pakiramdam na may isang taong nakasalalay sayo ang lahat para sa kanya. kaya sa kanya mo ibaling lahat ng pagmamahal at atensyon mo. uwi ka na muna sa family mo kasi mas maaalagaan ka nila. iparamdam mo sa partner mo na hindi sya kawalan. siya ang mawawalan kapag di sya nagbago. dont focus on the negative things, instead count your blessings. yung naipagbuntis mo si baby na walang komplikasyon, malaking blessing na yun. kapag magfocus ka sa kung anong hindi magandang nangyayari sa buhay mo, mas masasadlak ka sa kalungkutan. alam ko easier said than done, pero you have to try. para na din kay baby at sa sarili mo. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
VIP Member

Na experience ko rin na lokohin ni LIP ng paulit ulit, pero nagbago naman siya ng kusa para samin ni baby. Naging matatag lang ako sis, at kapag hindi ko na kaya, nagpapahinga ako at nag iisip ng dapat gawin. Kapag hindi mo na kaya magpahinga ka muna, isipin mo kung ano ba dapat mong gawin, kailangan maging matatag ka kase dalawa kayo ni baby ang need mong alagaan. At tignan mo din kung may chance pa ba magbago partner mo. Malalaman mo naman yun kase kasama mo siya sa bahay. Sa ngayon, maging matatag ka sis para sa inyo ni baby. Isipin mo nalang na mas mahalaga si baby ngayon ๐Ÿ˜Š time will come naman na malalaman mo din kung ano dapat mong gawin. Kausapin mo lang din si Lord ๐Ÿ˜‡ hingi ka guidance sa kanya sa mga desisyon na gagawin mo. Kaya mo yan sis. Godbless รผ ๐Ÿ˜‡

Magbasa pa

Sa relationship, give and take dapat. Kasama na dun ang respect. Stop giving him chances kasi once is enoigh. Pag inulit ulit, sakit na yun. Don't stay just because you want a conplete family. Iba parin yung happy and secured ka sa partner mo, promise it would mean a lot lalo during PPD mo kailangan mo talaga yung mga taong nagmamahal sayo, hindi yung bibigyan ka lang sakit sa ulo. Kung siya man first mo kaya nag aalinlangan kang iwan siya, sis mas kailangan mo ng pagmamahal sa sarili mo. Punuin mo ng pagmamahal sarili mo para capable ka nang mahalin si baby mo at malay mo naman may dumating na right one para ipadama sayo yung pagmamahal na deserve mo.

Magbasa pa

Wag mo ipilit ang sarili momsh kung nahihirapan ka na.sau ang baby mo makkayanan mo yan lilipas din ang panahon.at kung disidido kang iwan xa dahil sa nahihirapan ka na sana ung desisyon mo na un ay pangatawanan mo kc ung iba naaawa pa.kung ganun paulit ulit lang mangyayari sau un.ikaw lang ang mahihirapan. Ung iba nga dyan ilan na ang anak nkakapag asawa pa ng matinong lalaki.hndi xa kawalan sau kung ganun klaseng tao lang. Tama yan magpa ganda ka pag labas ni baby.harapin ang bagong buhay kpag nkapag desisyon ka na. I'm sure madaming mas deserving sau t kapag natagpuan mo na un.tatawanan mo na lang ung madilim na nkaraang nagpasakit sau.

Magbasa pa

Magpakatatag ka para sa baby mo. Deadmahin mo muna partner mo. Focus on your baby. That baby will give you the love you deserve. Now, sa issue ng sa partner mo na tila hobby nyang mambabae, pag-isipan mo rin if worth it pa ba yung pain sa quality ng love na nabibigay nya sayo. If not, tandaan na hindi dahilan ang pagkakaroon ng anak para mag-stay sa isang relasyon na hindi ka masaya. Pag-usapan ninyo. If paulit-ulit na lang, then maybe it's time to love yourself more muna and syempre si baby mo. Pero sa ngayon, focus ka muna kay baby. Paglabas ni baby saka mo harapin lahat yan.

Magbasa pa

Hindi na po yan mgbabago sorry sa pagkanega pero ikaw naman my sabi dina iisang bisis ngyari wag ka po gumanti sa paraan na mali gantihan mo po pakalabas ng baby mo mg balik alindog ka at mgsikap para sa baby mo at wag na wag naman sana idadamay ang baby sa kung anong masama ginagawa ni ama kc wala yan muwang sa mundo nakakasad lang talaga super sa mga dady na gnyan buntis kana nga imbes icare ka luha at pasakit pa bbgay sayo anyway diko naman po danas pero still alam ko amg hirap nyan ayon nalang po isipin mo si baby nalang go go lang sa buhay

Magbasa pa

Pakatatag ka sis.. wag mo naman sana idamay c baby, blessing yan. Kung ano man ginawa sayo ng partner mo walang kasalanan c baby.. pwede ka dn naman magshare sa family mo, para lam dn nila ung kalokohan ng partner mo. Family mo ang higit na makakaunawa sayo.. wag mo masyado madaliin paglabas ni baby, magpray ka iiyak mo lahat ke lord. Maging positibo ka sa buhay,laban lang! Ung partner mo pag di pa sya nagtino tlg ayy naku sknya may prob ndi sayo.. may karma dn po un! Magpray kalang.. pakatatag ka para ke baby kahit ndi na para ke partner mo..

Magbasa pa
VIP Member

Malapit na lumabas baby mo. Sa baby mo ikaw magfocus. Mga ilang months makakapagayos ka rin kung feeling mo "losyang"na itchura mo. Wag kang panghinaan ng loob mamsh. Lalo pa ngayon mommy kana, mas kailangan matatag ka kasi kailangan ka ng baby mo. ๐Ÿ’›๐Ÿคฑ Magpray ka palagi para mabawasan yung bigat na nararamdaman mo. Hayaan mo yang partner mo, wala kang mapapala jan emotionally, physically, spiritially at mentally. Unless financially may naibibigay, pwede pa yun.

Magbasa pa