Normal sana kaso na CS haha

eto na mkkpag share na ako ??? veeeeeeery long post toh mga momsh ????✌️ grabe ang tapang q mga momsh sb q gusto q tlga mag normal delivery un tlga ang pinipilit q... sb q pa sa ob q ayaw q ng twilight gusto q walang mga inje injection na ganun ??? (tawang tawa siguro ob q sa part na toh hahahaha ??) ang yabang yabang q pa hahahahah.... so aun na nga 37w close cervix until 39w5d (nov9) bali nung 38w ako nag start na ako uminom ng evening primrose 3x a day kaso walang ganap so nung nov8 ng gabi naglakad kami 2hrs tas nag insert ako ng dalawa sa pempem ko bago matulog(hnd advise ng ob, nabasa ko lang hahahaha)... nov9 wala padin ako nararamdaman so nag insert ulit ako isa sa umaga, tanghali at gabi.. uminom din ako delmonte pineapple juice isa... tapos nov10 past 12am nakaramdam ako parang may dysmenorrhea ako pero nawawala wala every 5 mins.... tong time na toh "masarap" pa sa pakiramdam ung sakit nakakaexcite din hehe... 2am nagising ako mejo masakit ng konti 4mins interval ng pag sakit ng tyan ko... ang ginawa q uminom akong gatas tas nag tinapay ako (maling mali ako sa part na toh) bandang 3:30 nagising ulit ako para akong natatae na ewan, 2 to 3 mins na interval ng sakit pero kaya pa nmn... d na ako nakatulog nyan lakad lakad ako kc pag nka higa ako mas ramdam q sakit... so aun this is it na sb ko... 6am nang gising na ako sb ko masakit na tyan ko ? tapos nasusuka ako na nagugutom na natatae... so sb q kakain muna ako noodles bago pumunta ospital kc parang masakit tyan ko dahil sa pagkakagising q ng madaling araw... kabag madaling araw ganun.... pero nka 4 na kutsara lang yata ako hnd na ako mkakain kc nasusuka na tlga ako... mga 7:30 dumating kami ospital... mejo mejo napapakapit na ako pag sumasakit tyan ko... jusko mga momsh pag IE sakin 1cm! 1cm palang pero hnd q na mahawakan cp ko ? so aun na admit na din ako pagdating sa ward ung itsura q iba na pang 5cm na pero ang totoo 1cm palang ako.... sobrang baba ng pain tolerance ko plus sumasabay acid q sa tyan grabe... twice ako nagsuka... hinanghina ako... ang lamig lamig ng pawis ko... bandang 9am ie ulit 3-4cm palang pero mangiyak ngiyak na ako.. bandang 10 pumutok bag of water q tapos transfer agad ako sa labor room... pag ie skn ng ob q 6 to 7 cm na daw tas meconium sb nya nka poop na c baby (dito na ako nawala lalo sa focus) takot na takot na ako dito kahit alam q naman na mejo normal na nangyayari un sa iba, pero iba momsh ang pakiramdam pag baby mo na... 11am dinala ako sa delivery room pero nawawala ob ko may siniCS hnd q na kaya maghintay sobrang sakit n tlga hnd q na kaya ang likot likot q... hnd q na alam ano gagawin nag sisisigaw na ako sa sakit... sb sakin inhale exhale lang wag iire pero waley... masakit tlga kahit inhale exhale pa... tapos pag nag peak na ung pain napapaire tlga ako ? pag natapos ung contraction naiisip q ulit ung poop... haiyst.. nag hihihiyaw ako momsh ?? 12pm binalikan ako ng ob ko sb 8cm na ako... kalkal ng kalkal sa pempem ko momsh napakasakit sobra... sb nya kaya q inormal kc maliit si baby pero... nung tinanong q qng hnd pb lalabas sb nya mga 2 hrs pa daw... hnd pa ako fully dilated... ung contraction q that time every minute na at super duper sakit... hnd q maimagine ung 2hrs tapos inaalala ko bka mastress si baby... sa public hospital ako nanganak at wala sila mga device pang check ng heartbeat ni baby habang naglalabor ang mommy... so sb q hnd q na po kaya doc iCS nyo nlng ako... tinawag mama ko at partner q... tinanong nila ako qng sigurado daw ba ako kc nga umpisa palang ayaw q ma cs at gusto q tlga normal... so yes na nga.. dinala na ako sa operating room tapos grabe ginhawa nung nainjectionan ako sa likod... gising ako habang hinihiwa at nginig na nginig sa sooooooooobrang lamig ng aircon plus hnd maganda pakiramdam q dahil nga nagsusuka ako (o nagsuka ako) tapos maya maya narinig q na iyak ni baby 12:58 baby out na... napangiti ako... sb skn nung nurse ata un o midwife ewan ko anu xa haha... "oh happy kna? ngumingiti kna eh :)" tapos tinanggal nung nurse ata un ung takip sa harap q binaba nya tapos nakita q si baby sobrang saya ko nawala ung panginginig ko ? tapos sb sakin iinjectionan kita pampatulog hah... tapos hnd q na alam anu nangyari pag gising q 2pm something na tinetape-pan na yung tahi ko tapos nilabas na nila ako operating room then sa labas andun mama ko hawak si baby tapos si partner din nakangiti sila sakin then room in na agad kami ni baby^^ walang skin to skin sa operating room pero ok lang kc room in agad kami tinabi sakin si baby sobrang saya ko kahit na cs ako ? nkapag padede na ako agad nun pero mahirap kc nkahiga ako hnd pa makatayo tapos mejo flat pa boobs ko ??? sb nga ng partner q si baby parang nkasubsob sa pader ?? (grabe ung kasama q sa room 5cm nakikipag chikahan pa tumatawa... sana all hahahahaha) sb nila skn sayang kc 8cm na ako malapit na yun tuloy tuloy na... sb q hnd q n tlga kaya... pag ung isip mo sumuko na, wala na... ang hirap na... tinatawanan ako ng mga close friend q, mama ko at partner q kasi tapang tapang q pa kunwari hnd nmn pala kaya ??? sadly nagka infection si baby dahil nkapoop xa sa loob pero after 7 days ng pag inject ng antibiotics, ok na si baby^^ meet my baby girl JYSHA ZONELLARIE M. URBANO 2.8 kilo November 10, 2019 12:58pm

Normal sana kaso na CS haha
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

natawa ako mamsh. hahahha pero congrats po :) sana kakayanin ko, sana hndi ako ma cs hahahaha

3y ago

kayanin mo mag normal momsh.... 5 kami sa room 3 normal 2 kmi cs... grabe ung 3 na normal kala mo tumae lang... nakakainggit kc lakaran ng lakaran sa room ung 3, kaming cs nkahilata lang ang hirap...

VIP Member

Congrats mumshie cute ni baby.

3y ago

thank you 😁😁😁