Pwede Po Pa-rant Lang?
Hi, eto more context ng rant ko para maintindihan niyo rin: I'm 23 years old and my boyfriend and I have one son na. I was working before the pandemic and my boyfriend is currently employed parin. We're at the right age naman na. My parents don't think so. Tingin nila sa amin, batang bata pa. My family side isn't rich pero nasa abroad na sila for more than 10 years. Umuwi lang ako 7 years ago for college tapos dito na ako nagwork. Father ko lang ang nagtratrabaho and sobrang bata pa ng mga kapatid ko. Tatlong lalaki, isang 15, isang 10 at isang 7 years old. Di kami mayaman noon palang, walang wala rin minsan. So eto. Nanganak ako nung February. Di sila nakauwi nung 9 months na buntis ako kasi wala daw silang pamasahe. Understandable naman. Wala rin kaming mabigay na pamasahe kasi unexpected na nabuntis ako so yung ipon namin, finocus namin sa baby namin. Nakauwi naman family ko nung nanganak ako, February. Para naman daw makita nila unang apo nila and maalagaan din ako. So okay, nandito na silang lahat. Dito sila nakatira samin kasi wala naman pera pang rent ng isa pang place for them. So yung boyfriend ko, nag kusa na lang sa magbigay ng space, tumira na lang siya muna sa dorm na malapit sa work. Umuuwi na lang siya tuwing weekends dito. Yung mom ko naman, di ko gets ano problema niya. Tinutulungan naman niya ako pero laging pagalit. Laging may kagat pag kinakausap niya ako. Pero sa mga kapatid ko naman, ang lambing. Ang sweet, ang caring. Pero pag sakin. Umaumaga, lagi may sermon. Simula February hanggang ngayon. Kesyo nag tampo daw ba ako sakanila na napabayaan na daw nila ako noon kaya ako nagpabuntis nang maaga ganito ganyan. Nagpapagamit ang term niya sakin pag nagsesex kami ng boyfriend ko daw. Bakit daw ako nagpapagamit. Ang dami niyang sayings lagi, every freaking morning. Di pa yan lahat. Meron pa tungkol sa pera. Nanay ko mismo nagsermon sa boyfriend ko na lagi daw niya dapat ibibigay saming magina kalahati ng sweldo niya. Okay, sige. Sustento naman niya yun and willing yung boyfriend ko ibigay na nga buong sweldo niya eh pero sabi ko, magtira din naman siya ng para sakanya. So yun lagi siya nagbibigay samin 5k every week. Guess what though. Yung nanay ko, hinihiram lagi SINCE FEBRUARY, LAHAT NG BINIGAY SAMIN NA PERA NG BOYFRIEND KO. Every 5k,kinuha niya kesyo pang grocery daw ganon. Pero di eh, lagi niya binibilhan ng FAST FOOD MCDO KFC PIZZA MGA KAPATID KO. MERYENDA LANG YUN LAGI. TANGINA SA GITNA NA PANDEMYA, ANG LAKI NILA GUMASTOS. Pag minsan wala mabigay yung boyfriend ko, NAGAGALIT PA SIYA. BAKIT DAW PINAPABAYAAN KAMI NG BOYFRIEND KO. Puta kahit 1k walang natira samin. Wala naman ginagastos kay baby kasi breastfeed siya. Diaper lang at damit kung minsan. Nanay ko mismo gumigipit samin. Kung di siya kuha ng kuha, sana ang laki na ng naipon namin para sana sa future ni baby. Isa pa. Bumili sila ng kotse nung May 2020. Hayop. KOTSE. SA PANDEMIC. Walang wala na nga kami, bumili pa kotse. Para naman daw sa apo nila yun. GUESS WHAT ULIT. KAMI MAGBABAYAD NUNG CAR LOAN NA KINUHA NILA. KUMUHA SILA NG KOTSE NANG WALANG PASABI SA AMIN TAPOS KAMI MAGBABAYAD???? Nung mother's day nagbigay kami ng boyfriend ko ng 10k pang regalo sa nanay ko. 10k yun ha. Ubos agad lahat in three days HAHAHA. tapos hiniram ulit ng week na yun yung 5k na para kay baby. Okay binigay nanamin yung bayad sa kotse for this month. Kasi sila magbabayad sa banko. Guess what ulit HAHA hiniram nila buong 18k PANG GROCERY DAW. Puta..... Palitan na lang daw namin yung bayad sa kotse for this month. Hayop. Lagi nila ako sinisisi na naabutan sila ng lockdown dito sa Pilipinas. Kaya sagot ko daw dapat sila. Bat ganun eh sumwiseldo naman father namin kahit paano? May income parin sila. Mali ba ako na magkaroon ng sama ng loob sakanila? Parents ko sila pero di nila ako nirerespeto sa sarili kong bahay. Kung may respeto lang sana sila sakin, willing naman ako magbigay sakanila ng pera lagi. Sasagutin ko naman sila kung di sila ganyan. Mali ba ako? Gets ko naman na malaki kasalanan ko na mabuntis ako nang maaga at di pa kasal... Pero dapat ba ganito ang trato nila sakin? PS sorry for the bad words, ganun lang talaga ako ka-down now. Edit: thank you mga mommies for all the comments below. They've been a comfort and gumaan loob ko to know na may kakampi ako outside of this house. Stay safe to all of you and your families and God bless โค๏ธ Another edit: I didnt mean to make my mother sound bad. I just described my experience. Kahit paano, I'm still thankful for her and every time she has guided me. Pero di na ako bata para magbulag-bulagan na siya na ang mali this time.