💔

EDD SEPT 20 DOB JULY 26 july 25 nung nakaramdam ako na basa ang undies ko na parang nirregla ko pero clear water ang nalabas . so nagtanong ako sa ate ng partner ko . then yun nga nagleleak na ang panubigan ko . 7 months plang po tiyan ko . 32 weeks palang po🥺 so pumunta kagad ako ng lying in . then in-IE ako 6cm na daw ako . hndi ako kabado or what . kasi mahirap na baka tumaas BP ko . then sabe pwedeng hndi kagad mapahinto pagleak dahil hndi pa naman daw pumutok panubigan ko . may butas lang daw kaya nagleak . so far wala kong narramdamang sakit . then kamalas malasan saktong yung partner ko naging pang umaga na dat day . so as 5 pm nag aantay nako sa kanya sa clinic dahil nga need ng maturukan ako para hndi kagad daw lumabas si baby . as 8pm na sya nakarating dahil nung pag out nya lang 7 tyka nya nalaman . nakalimang hosp kmi private at public walang mga available na incubator so ayaw ako tanggapin . thanksGod nalanb tlaga at walang masakit sakin . july 26 2am na ng umaga napagdisisyunan naming umuwi muna dahil sobrang pagod nako tas pati sya dahil galing pa syang 12hrs duty . ang nabigay lang sakin ng isang public hosp eh turok para maging matibay ang lungs ng baby . kaya umuwi muna kami at kumontak pa ng ibang hosp . pagkaumaga umalis kgad partner ko para maghanap ng hosp na my availabale na incubator . wala prin daw so sabe ko uwi nya sya kasi sumasakit na tiyan ko at mukhang nauubos narin panubigan ko . 7am ako nakaramdam ng sakit as in dko na kaya tiisin . dahil nga 6 cm nrin ako nung gabe . sa isang public hosp na kmi . wala rin silang incubator . kaso nga emergency na so ayun . as 8am lumabas na si baby okay naman sya . yun nga lang ang liit at ang gaan nya dahil nga preemie tas ang liit ko din . 19 y.o lang poko . 43 lang weight ko . so inilawan lang muna ang baby ko tas dinextrose tas imnilagyan din ng oxygen . nakaka awa tignan ang baby ko that time tas sinabihan pa kong check lage kung nahinga pa dahil nangingitim . parang magugunaw mundo ko nung sinabe ng nurse yun 💔10 days na ang lumipas . saglit ko lang nakita at nahawakan ang baby ko . ginawa akong PUI dahil sa inubo ko wtf . naka home quarantine ako ngayon . and ang baby ko gnawa din PUI . nasa NICU ang baby ko . sa awa ng diyos pagkahapon ng july 26 eh may nahanap na ang hosp na incubator para sa baby ko . 10 days na para kong mamamatay kakaisip dahil ang layo ng baby ko sakin💔 alam kong need nya magpalakas sa incu . ang sabe ng doktor nya is may kailangan na habulin na weight at energy si baby bago makalabas . kaya humihinge poko ng konting oras nyo oara isama sa dasal ang baby ko 😭 gustong gusto ko na sya makauwi . tas nag MECQ pa ngayon ang sabe sa hosp hndi pwedeng basta basta bumisita . tyka lang pwede kapag may ddalhin na needs ng baby . so every day nlang ako nagttext sa nurse nya kung kamusta ang baby ko . tas kahapon pa nagsuka daw ang baby ko dahil daw baka nasobrahan sa dede . idinextrose nlang tuloy nila ule . ang sakit na hndi ko man lang makita at maalagaan yung baby💔😭 alam kong kailangan ko magtiis pero ang sakit sakit 💔😭 nakakabaliw . andito ko sa kwarto hndi pwede lumabas at lalong hndi sya pwede basta puntahan dahil nga inihome quarantine ako . wala pring result ng swab test . nakakaasar alam kong negative ako for sure ang lakas lakas ko ngayon . ni hndi na nga ko inuubo .

2 Replies

sending prayers sis..same tau kso skin naagapan..3w and 4d p lng kmi ngaun from 6cm kahapon 4cm n lng and mataas p c baby..hoping kmi n magclose pa or umabot kmi kht until sept 12.. kinakatakot ko din ung water bag ko bka mabutas pero sbi ni ob ok o nman..dasal lng magiging ok din kau ni baby..palakas ka para maalagaan mo sya

salamat po..tiwala lang ky god..hindi nya tau pababayaan

VIP Member

Mommy, may mga positive po na walang nararamdamang ubo or lagnat. Mga asymptomatic po tawag doon. If ever gusto nyo pong kasama si baby make sure na ibreastfeed nyo po sya para mas healthy. Hope you’re safe po and wag mastress.

hndi rin naman po kasi kami dito naglalalabas . twing check up lang kung lumabas . kaya imposible din pong mahawa ako . inaantay ko po ang result para sana gatas ko ang madede ni baby nakaformula kasi sya ngayon eh . ngayon kasi hndi pa pwede dahil nga po wala pang result ng swab . pero salamat po😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles