Sharing my birth experience as first time mom

EDD: November 9, 2020 DOB: November 2, 2020 TOB: 6:39 am WEIGHT: 2.8 kgs GENDER: Male via Normal Delivery @39 weeks Oct. 31 pa lang ramdam ko na contractions pero tolerable pa, until Nov. 1 ng hapon nadalas na yung hilab pero sabi ko sa sarili ko kaya ko pa. And wala namang bloody shows or any discharge kaya akala ko false labor. Then nung gabi na around 11am dumalas na yung contractions. Sabi ko wala pa to. Then may naramdaman akong discharge, nung tumayo ako to check, tuluy-tuloy na pagdischarge ng panubigan ko. Pumunta na kami ng asawa ko sa lying-in clinic, nirapid test muna ko. Thank God negative naman. Tapos pag ie sakin 1-2cm palang at mataas pa si baby. Pero malambot na cervix ko. Qtr to 12 Tinawagan na yung OB ko, nirecommend na induced na ko, pero di pa sure yun kung eeffect, dapat may back-up akong ospital (for CS na) just in case hindi umepekto yung induced. So talagang nag-pray kami na mainormal. Nilakasan ko loob ko. Habang yung asawa ko nasa labas lang, bawal kasi bantay sa loob. Nag- stay ako sa labor room, Sinwero na ko, with antibiotics kasi para di maimpeksyon si baby. Ang sakit sakit ng pakiramdam ko nun super parang napupupu na. After ilang hrs, pina ie ult ako thank God nag progress to 7cm, then nagpunta na si OB. Pinalipat na ko sa delivery room. 4:30 am yun Sabi nya need ko muna mapupupu so tinulungan na nya ko mailabas habang umiire ako. Mga ilang oras pa, kita na daw si baby, at 6:39am lumabas na si baby. Napa -Thank You, Lord talaga ako. Mejo mahaba yung ulo nya kasi nabitin nung isang ire ko. Pero ngayon normal na ung shape ng ulo nya. Praise God kasi di ako na CS and di ako sa ospital nanganak which is iniiwasan ko nga kasi may covid pa ngayon. And that same day nakauwi na din ako. Malapit lang naman kasi bahay namin at para mas makapagpahinga ako sa bahay. Bumalik na lang ako kinabukasan para sa newborn screening and vaccine ni baby. Ayun. After 1 week bumalik ako sa OB kasi ichecheck yung tahi ko, nakita nya na tuyo na sya. 😊betadine feminine wash lang gamit ko saka nilalagyan ko din ng betadine na pampahid pag naglilinis ako. Once lang ako nag steam nung hirap na hirap ako magpupu kasi nagtitibi ako. Hihi. Share lang po for readers na lakasan lang ang loob. Makaraos din kayo. 😊#1stimemom #breasfeedingmom #theasianparentph

22 Replies

congrats mommy💞 ako po waiting nden sa pglabas ni baby. nagbloodyshow nko tas 3cm nden...Sana makaraos n din ako🤗😇

ay matulin na lang yan momsh hehe. magtagtag ka na po

Congrats mommy. Sana ako din makaraos na, 39 weeks na ako at sobrang sakit na ng puson ko pero 1cm padin ako. Huhu

kaya mo yan :) lalabas din si baby kausapin mo lang :)

Congrats Momsh God bless sa inyo ng Baby mo😇 Makakaraos din ako Tiwala lang kay God😇☝️

VIP Member

Congrats ma💕 welcome to the world baby👶💕

nkkinspire mga gnto stories hehe congrats mamsh!!

Super Mum

Congratulations mommy! ❤️

VIP Member

Congrats Mommy ❤️❤️

super cute ng baby mo😊

congrats po mamsh 💓

TapFluencer

wow congrats po

Trending na Tanong