Need advice :(

Don’t know what to do, Habang nagliligpit ako ng mga gamit ko kase aalis nako ito namang bf ko ayaw ako paalisin kesyo ang arte ko daw. Im currently 33 weeks napo. And kelangan kopo muna lumipat sa mama ko pansamantala dahil hindi nyako maaalagaan, Ang nirerentahan namin is kwarto lang. Walang kusina at yung cr ay shared nasa baba pa nasa second floor kase kami. That’s why mahirap daw kapag manganganak nako. Nasanay po kase kami na may inuutusan kami ( delivery food ) kase nga walang kusina at walang lutuan. Ayaw naman nya kase umalis dito sa nirerentahan namin kesyo hindi daw namin kayang mabuhay ng kaming dalawa lang ( Malapit kase samin yung mother nya at mga relatives nya ) And wala na din kaming mahanap na marerentahan sa ngayon na may own sink/ cr puro malalayo talaga. So ito po yung aming scenario na nakakapang inis talaga. NV; Siya: Dapat kase una palang pinalag lag na natin yan Ako: Ay wow ha. Grabe ka! ( Naiiyak nako ) Siya: O dapat hindi na tayo nag anak eh, Ang hirap kase Ako: Wow naman! Kung ayaw mo dito edi ayaw kona din sayo! Napaka selfish mo! Siya: Ang hirap kase Then yun hindi ko po siya pinansin buong maghapon kase grabe nagawa nyang sabihin yun sa anak nya!? ???? Ano po kayang gagawin ko???

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚊𝚢𝚊𝚠 𝚔𝚊 𝚗𝚢𝚊 𝚙𝚊𝚢𝚊𝚐𝚊𝚗 𝚙𝚊𝚊𝚕𝚒𝚜𝚒𝚗 ,𝚙𝚊𝚜𝚞𝚗𝚍𝚘 𝚔𝚊 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚛𝚎𝚗𝚝𝚜 𝚖𝚘 . 𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚐𝚊𝚗𝚢𝚊𝚗 𝚕𝚊𝚕𝚊𝚔𝚒 .. 𝚠𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚔𝚊𝚑𝚒𝚗𝚊𝚝𝚗𝚊𝚗 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢 𝚗𝚢𝚘 𝚖𝚊𝚐 𝚒𝚗𝚊 𝚍𝚢𝚊𝚗 ..𝚙𝚞𝚛𝚘 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚢𝚊𝚗 𝚙𝚊𝚜𝚊𝚛𝚊𝚙. 𝚒𝚔𝚊𝚠 𝚊𝚝 𝚊𝚗𝚊𝚔 𝚖𝚘 𝚍𝚒𝚗 𝚖𝚊𝚑𝚒𝚑𝚒𝚛𝚊𝚙𝚊𝚗 𝚙𝚊𝚐 𝚑𝚗𝚍 𝚔𝚊 𝚞𝚖𝚊𝚕𝚒𝚜 𝚜𝚊 𝚙𝚞𝚍𝚎𝚛 𝚗𝚢𝚊 . 𝚑𝚗𝚍 𝚙𝚊 𝚗𝚐𝚊 𝚗𝚊𝚕𝚊𝚋𝚊𝚜 𝚐𝚊𝚗𝚢𝚊𝚗 𝚗𝚊 ... 𝚙𝚊𝚜𝚞𝚗𝚍𝚘 𝚔𝚊 𝚙𝚘 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚛𝚎𝚗𝚝𝚜 𝚖𝚘 .

Magbasa pa

Buntis ka pa lang niyan.. paano na lang pag nanganak ka na.. isipin mo na lang ung sitwasyon nyo, willing kaya sya na mag alaga at magpuyat? Pag dating sa pagsusustento niya sa bata baka mas mahirapan ka din.. ngayon nga manganganak ka pa lang nasabi na niyang "ang hirap". you have to make a choice, but if you choose to stay with him you should endure the consequences without complaints but I hardly believe you could.. go where you and your baby could live comfortably. Baby mo ang pinaka importante ngayon, hndi yang bf mo.. Godbless..

Magbasa pa

It’s either you two have to have a long heart to heart discussion for him to realize na tatay na sya or you have to raise this kid on your own. It’s right in front of you - 1) yung sinabi nya na ayaw nya magka anak and 2) wala syang ginawa na mapaayos ang setup nyo. Mahirap tanggapin na umabot ka ng 33 weeks na sa ganyan setup parin kayo nakatira. Makakahanap kayo ng mas maayos kung gugustuhin / pipilitin. At yung titira ka sa mom mo? Kung tutuusin dapat matuwa nga sya dahil sa ikabubuti ng mag ina nya yun.

Magbasa pa
VIP Member

Unang una po sa lahat, masakit talaga pag napagsalitaan nya ng ganyan ang anak ninyo. Kung mahal nya kayo ng baby kahit galit po sya, hindi nya masasabi yon. Isipin nyo po kung galit kayo, di nyo naman masasabi yun diba? Kasi mahal nyo ang bata. At isa pa, dapat iniisip nya kalagayan mo kung mas better sayo sa family mo muna dapat nauunawaan nya yun at hahayaan ka muna nya umalis at mag agree sa desisyon mo. 😔 Di ko po alam kung bakit parang ang selfish po ng partner nyo, sorry po sa word. Opinion ko lang po

Magbasa pa

Lipat ka na sa mother mo momsh wala kang future dyan sa bf mo. Pinagplanuhan pa ng masama yang bata hyst. Napakarami talagang walang balls . Ganyan din sinabi ng bf ko . After nun sabi nya ipalaglag ko daw anak namin kaya ayun pinutol ko na lahat ng communications namin kapal ng mukha di nya deserved maging tatay sa anak ko. At ngayon okey naman kami mas masaya walang stress wala kang iisipin only ur self and ur baby 😍😍 #single mom

Magbasa pa
5y ago

Tama ka dyan mamsh. Di ka naman nag iisa dahil nandyan ang baby mo sayo. Once na maging nanay na tayo, mas iniisip na talaga natin ang bata kahit sa ano pang bagay. 😊

Napagsasalitaan din po ako ng ganyan kapag nagaaway kami noon, lage ako nagbabanta saknya na aalis ako at pagsisisihan niya lahat. At sinasagot ko siya ng "tangina mo, mamatay kana wag lang itong bata". Magpakatatag ka po para sa baby mo at wag po malungkot dahil malulungkot din ang baby mo. Ayun, Natuto rin naman siya at takot siyang hindi ko ipakita sakanya anak niya, pursigido na siya sa trabaho.

Magbasa pa

Know your worth and your baby's worth. Yung lalakeng ganyan, he doesn't deserve to be a father and I doubt that he'll be a good provider. You have a family that will love and support you. Wag mong hayaan na pasamain nia yung loob mo dahil he is becoming an irresponsible provider. Be strong for your little one. An Angel is on its way to be with you 😊

Magbasa pa

Naguguluhan na po siguro bf ninyo. I believe he loves your baby, pero yung pressure, stress, and yung nakaabang na responsibility nabibigla sya dun. But to say na sana ipinalaglag is not good. I suggest po dun ka muna sa parents mo. For you and your baby's safety. Iwasan muna po ang ma stress. 😊Pray lang lagi 😊God bless you and your family

Magbasa pa

.walang Puso yang Bf mo .... Walang kwentang lalaki ..napakasama SA anak Nia ...grabe ...un Ang masasabi q ... Qng ako sau may pamilya nman AQ mas ggustuhin ko pang maging single mom kesa nakasama Ang ganyang lalaki .. walang bayag ..asa SA magulang ... Walang sariling sikap pra sa inyo at sa Bata pa isisisi pag nahihirapan ..tsk ...

Magbasa pa

Uwi ka na sainyo, mommy. Do you see yourself na nagtitiis pa din after ten years kasama yung lalaking yan? Imagine living with that kind of man for the rest of your life. If ganyan mindset nya pano pa paglabas ng baby? It takes courage to do whay is right. Magbalot ka na ang umuwi ka na sa place kung saan maaalagaan kayo ng baby mo.

Magbasa pa