Need advice :(

Don’t know what to do, Habang nagliligpit ako ng mga gamit ko kase aalis nako ito namang bf ko ayaw ako paalisin kesyo ang arte ko daw. Im currently 33 weeks napo. And kelangan kopo muna lumipat sa mama ko pansamantala dahil hindi nyako maaalagaan, Ang nirerentahan namin is kwarto lang. Walang kusina at yung cr ay shared nasa baba pa nasa second floor kase kami. That’s why mahirap daw kapag manganganak nako. Nasanay po kase kami na may inuutusan kami ( delivery food ) kase nga walang kusina at walang lutuan. Ayaw naman nya kase umalis dito sa nirerentahan namin kesyo hindi daw namin kayang mabuhay ng kaming dalawa lang ( Malapit kase samin yung mother nya at mga relatives nya ) And wala na din kaming mahanap na marerentahan sa ngayon na may own sink/ cr puro malalayo talaga. So ito po yung aming scenario na nakakapang inis talaga. NV; Siya: Dapat kase una palang pinalag lag na natin yan Ako: Ay wow ha. Grabe ka! ( Naiiyak nako ) Siya: O dapat hindi na tayo nag anak eh, Ang hirap kase Ako: Wow naman! Kung ayaw mo dito edi ayaw kona din sayo! Napaka selfish mo! Siya: Ang hirap kase Then yun hindi ko po siya pinansin buong maghapon kase grabe nagawa nyang sabihin yun sa anak nya!? ???? Ano po kayang gagawin ko???

38 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Grabe naman niyan. Kami ng lip ko 2 lng kami sa apartment na nirerentahan namin. Mga kamag anak namin malalayo. Either parents o relative. Pero never niyang sinabi yang ipaabort ung bata kahit kapos kami kc may binabayaran kaming bahay monthly. Oo mahirap pag 2 lng kayo. Pero kung mahal ka talaga niya at ung bata mag susumikap yan.

Magbasa pa

Pag ang isang lalaki nagsabi na gusto ipalaglag ang bata dun palang it's a no-no na. Iwan na agad. Walang future sa ganyan. Mahirap ang buhay? Mahirap may anak? Sana nag ingat siya ngayon may nabuo nasisi sa bata ang pagiging hirap sa buhay. Iwan mo na yan. Magsumikap ka mag isa. Kakayanin mo yan. Godbless you!

Magbasa pa

Di mo deserve ung ganyan lalake... Habang maaga pa lang hiwalayan mo na sya.. Palagi naka sumbat? Pano na lang pag lumalaki na ung bata? Kayo din ang kawawa... Mas okay pa maging single mom kesa ganyan ang makakasama mo sa buhay... Just saying lalu na kung may pamilya ka naman malalapitan and maaasahan...

Magbasa pa

Sa ugali nyang pinakita sa baby at sayo nagpapatunay lang na hindi sya mabuting ama. Di nya kayang panagutan. So advice ko sayo Ma'am. Manalig ka sa panginoon magdasal ka kung ano ang dapat mong gawin. Magpaka tatag ka Ma'am dahil kailangan nyo yan ni baby. Focus ka sa baby mo Ma'am.

VIP Member

Sa pinapakitang pag-uugali ng bf mo malamang sa malamang ay pagdating ng panahon magiging iresponsable sya. Ayaw nya ng hirap, gusto lamang e sarap. Kung una pa lang nag-isip na kayo sa magiging dulot ng love making nyo. Hindi yung ipapa-laglag pa talaga. 😡😡😡😡😡

Walang hiya no more heart talk heart talk iwan mo na yan hayup siya walang kuwenta nilaspag kalang. Umalis kna yayaman kapa pag kayo lang ng baby mo. Lalaspagin kalang niyan pag sasawaan tas palaglag ng palaglag huy maawa ka naman sa katawan mo at sa sarili mo tih!

Haha di ka niya mahal :) tsaka baby boy lang? Di niyo kaya ng kayo lang? Wow ahahahha ano kayo baby? 😂 Sorry ah pero kaki po ng partner ko kahit bata pa kami, nag bukod na po kami. Dami niya excuse. At tsaka parang walang pagmamahal sa anak niyo

Sana di kamo cya nagputok sa loob kung di nya kaya maging ama at mabuting partner. Walang bayag ang hinayupak. Iwanan mo na yan. Kawawa lang kayong mag ina dyan pag nagkataon. Pasarap lang alam, ayaw sa responsibilidad.

VIP Member

leave and stand for your own child. Hindi kaylangan pilitin xa kung ayaw nya sa Bata. believe me maraming kinakaya tan na wala ang tatay. like me. I have 8yr old handsome boy. Wii ka nalang sa mama mo maaalagaan kapa don.

Pag nanganak ka walang maitutulong sayo yan! At mahirap mag alaga ng newborn kapag wala kang kusina. San ka magpapakulo ng tubig? Paano kapag gagamit ka ng banyo? Iiwan mo si baby? Gigili nyo ako ha! 🌋🌋🌋