Need advice :(

Don’t know what to do, Habang nagliligpit ako ng mga gamit ko kase aalis nako ito namang bf ko ayaw ako paalisin kesyo ang arte ko daw. Im currently 33 weeks napo. And kelangan kopo muna lumipat sa mama ko pansamantala dahil hindi nyako maaalagaan, Ang nirerentahan namin is kwarto lang. Walang kusina at yung cr ay shared nasa baba pa nasa second floor kase kami. That’s why mahirap daw kapag manganganak nako. Nasanay po kase kami na may inuutusan kami ( delivery food ) kase nga walang kusina at walang lutuan. Ayaw naman nya kase umalis dito sa nirerentahan namin kesyo hindi daw namin kayang mabuhay ng kaming dalawa lang ( Malapit kase samin yung mother nya at mga relatives nya ) And wala na din kaming mahanap na marerentahan sa ngayon na may own sink/ cr puro malalayo talaga. So ito po yung aming scenario na nakakapang inis talaga. NV; Siya: Dapat kase una palang pinalag lag na natin yan Ako: Ay wow ha. Grabe ka! ( Naiiyak nako ) Siya: O dapat hindi na tayo nag anak eh, Ang hirap kase Ako: Wow naman! Kung ayaw mo dito edi ayaw kona din sayo! Napaka selfish mo! Siya: Ang hirap kase Then yun hindi ko po siya pinansin buong maghapon kase grabe nagawa nyang sabihin yun sa anak nya!? ???? Ano po kayang gagawin ko???

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Lipat ka na sa mother mo momsh wala kang future dyan sa bf mo. Pinagplanuhan pa ng masama yang bata hyst. Napakarami talagang walang balls . Ganyan din sinabi ng bf ko . After nun sabi nya ipalaglag ko daw anak namin kaya ayun pinutol ko na lahat ng communications namin kapal ng mukha di nya deserved maging tatay sa anak ko. At ngayon okey naman kami mas masaya walang stress wala kang iisipin only ur self and ur baby 😍😍 #single mom

Magbasa pa
6y ago

Tama ka dyan mamsh. Di ka naman nag iisa dahil nandyan ang baby mo sayo. Once na maging nanay na tayo, mas iniisip na talaga natin ang bata kahit sa ano pang bagay. 😊