// sustento

disclaimer: long post ahead!! hello po, mga mamshiesss!! meron po bang mga single mom dito? pano po yung sustento sainyo? :< stay at home single mom po ako, 3 yrs old na po anak ko. kakagrad ko lang din from college this 2021. nalate ng grad kasi need ko huminto para mag-alaga sa anak so no choice HAHAHA natuloy ko lang nung nagka-online class. nagtry ako maghanap ng work na call center, VA na whf kaso puro naghahanap ng at least 1 year work experience on site or willing magtraining on site :(( wala kasing mag-aalaga sa anak ko maliban sakin, parehas po kasing may work both parents ko tas dalawa lang po kami ng anak ko sa bahay. so ayon po, 2k lang or wala pa yung binibigay ng daddy ng anak ko kada sahod. so bale 4k kada buwan. nakatira po siya ngayon sa papa niya, bale kasama niya po sa bahay is papa niya, ate niya at pamilya ng ate niya. sabi po nila papa niya, di naman po siya inoobliga magbigay don kasi kaya naman daw nila yung gastusin. kaya nagtataka ako bat 2k lang ginagastos niya para sa anak niya :/ bukod pa po jan, nabibisita niya lang anak niya pag iaabot grocery. sa almost 3 yrs naming hiwalay, ni minsan di non kinamusta anak niya o kahit ano pero lagi siyang nasa inuman HAHAHA dapat ko na po ba idaan to sa dswd para magbigay siya ng tama? or sapat naman na po yan? ang sarap po kasi ng buhay niya samanatalang ako, ako nagpapalaki at alaga sa anak namin. ako rin namomroblema saan kukuha pag nakulangan ng gatas at diaper anak namin o kung ano pa. walang nagbago sa buhay niya, samantalang ako tinapon ko lahat para lang maging nanay. sa sustento na nga lang siya babawi, ganyan pa HAHAHAHA thank u po agad sa mga sasagot :)))

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung naniniwala po kayo na kaya nya magbigay ng mas malaking sustento (better if may ebidensya kayo), pwede nyo po ilapit sa PAO para mai-summon po sya ay maconvince na magbigay ng mataas na sustento. Icompute nyo na rin po mga gastusin ni baby para majustify nyong hindi talaga sapat yung P4k monthly.. ☺️

Magbasa pa
12mo ago

sinungaling po kasi yung daddy ng anak ko. magaling magpaikot. pero hihingan naman po siya ng payslip diba po? para sana po wala siyang takas