No kasambahay or kamag anak

Sa mga mii na wala pong kasambahay or kamag anak na katulong mag alaga sa babies nyo on the early months, pano nyo po kinaya? Share naman po ng diskarte. Will go back to work (from home) na kasi soon and baka kami na lang ni husband. Kasama namin mom ko ngayon pero syempre hindi long term ang ganitong set up. Hirap din kumuha ng mapagkakatiwalaang kasambahay these days. #firsttimemom #advicepls

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mag isa rin po ako nag alaga kay baby for 4months, walang ibang katulong at wala ang partner, nasa training at no cellphone allowed kaya abot abot ang hirap at depression na inabot ko. pero ito po mga natutunan ko, 1. sleep when baby sleeps. wag isipin ang kalat, it can wait. 2. nag try ako cloth diaper para makatipid. totoong tipid pero kapalit ay dagdag pagod at intindihin sa pagkukusot kaya tinigil ko. mag stock ng disposable kung afford naman, wag na manghinayang. 3. mag set ng araw na isisingit mo ang paglilinis ng bahay at pagligo ng matiwasay. example, every sunday ang general cleaning. rest of the week, magpahinga hanggat kaya. 4. makisali sa usapin dito sa Asianparent. malaking tulong sakin to kasi wala ako nakakausap. kaya every night kapag tulog na si baby at may konting lakas pa, sumisilip ako sa mga topics dito at ako rin mismo nagshshare ng mga experience ko para mabawasan lungkot ko. 5. I used to pump para mag stock ng breast milk pero tinigil ko rin since full time mom na ko at bihira naman kung aalis man ako ng bahay na maiiwan si baby. nakakadagdag pagod kasi, e kaya naman na diretso latch na sya sa akin. bawas hugasin pa ng bote at pump parts. 6. mag set ka ng daily routine nyo ni baby. 7. bili ka ng whiteboard. kapag may naiisip ka na need nyo nang stock or may kailangan kang maalala ulit, or need ilista oras ng vitamins ni baby, madali na lang. ipaskil nyo whiteboard sa makikita agad. gamit na gamit sakin whiteboard dahil makakalimutin ako. so kapag may naisip ako, sulat agad. 8. Wag na wag sasabayan ng galit/inis/pagod ang iyak/lambing ni baby. kahit mahirap. 9. Hug and say I love you to your baby daily. magugulat ka na lang bawat araw na lumilipas ang laki na ng niyayakap mo. 10. Wag mahiya humingi ng tulong kung may makakatulong. sulitin kung may bisita. gawin mga kayang gawin habang nililibang nila si baby. parang karami pa pero sana makatulong po ang mga ito. gawin kung ano ang sa tingin nyo ay makakapag padali ng buhay nyo. Good luck po. 🫂

Magbasa pa

eto din situation ko. wala kaming family nearby. eto yung tips binigay sa akin for first time mom and walang katuwang during working hours ni husband. 1. stock up disposable utensils 2. magipon ng food na pwede lang ilagay sa ref at initin for meals. lots of water supply and snacks. 3. if hindi kaya cloth diaper at maglaba. mag ipon ng disposable diapers. 4. when baby sleeps, you sleep. 5. iwasan maging Martha, wag isipin ang housechores. magpahinga hanggat tulog si baby. 6. si hubby ang taga laba at linis. 7. for emotional and mental support, find a community or friends or loved ones na mahihingahan ng kahit anong pagod at struggles bilang isang mommy. 8. mindset "this too shall pass" . ang paglaki ng ating anak ay mabilis lang at di na maaring balikan kaya we have to cherish every hardship and victories. hugs po

Magbasa pa
2y ago

Baket ngaun ko Lang to nabasa? Muntikan nako magkappd thanks God nakakasurvive

nung manganak ako, nag leave si mother for 1week, sya nag aasikaso kay baby dahil FTM ako at dama ko pa yung sakit ng tahi, after 1week sinubukan ko kung kakayanin ko, kaso hindi pa talaga at pinag leave ko si hubby for 5days para may katuwang ako sa pag asikaso kay lo. sya nagluto, palengke,linis at laba ng damit namin, habang ako naka focus kay lo. wala din nman kc aq aasahan kay tatay dahil di namn sya maalam sa pag aalaga sa bata. after ng leave ni hubby, grabe na yung lahat ng pagod ko, dama ko na yung stress, naiyak nako pag sobra iyak ni lo, di ko rin nagawa yung pag tulog si lo dapat tulog kadin, dahil sobrang dami dapat ayusin. pero habang dumadagdag ang buwan ni lo, nagagawa ko ng mag time management. GRABE yung experience pero worth it naman. makakayanan mo din yan mamshi. tiwala lang.

Magbasa pa

Ako work from home ako until now, cs ako and after more than 3 months bumalik na ko sa wfh setup, maswerte ako noon kasi marami akong kapalitan sa bahay at katuwang on the early months ng pag aalaga kay baby, nagbbreastfeed din ako, mahirap sya kasi di ako makakilos ng maayos kaya swerte ko at may katulong talaga ko, nung mag 6 months na si baby at magaling na rin ang tahi ko bumalik na kami ng ncr sa sarili nming bahay kming 3 nlang ngayon ng baby at husband ko dito.. Sa province kasi ako tumira nung nanganak ako, good decision un para sakin kc kung dito sa maynila walang magbabantay sakin. Pero ngayon na malaki na si baby kahit nasa wfh setup ako nakakayanan ko naman na alagaan sya mag isa kahit na may trabaho ako

Magbasa pa

Sa una nakakabaliw. 😂 Yung pag nagsama sama nagsabay sabay ang pagod at puyat. Nakaka iyak sya. Iiyak ka nalang solid. Pero isipin mo hindi habang buhay bata si baby, lumalaki sila kaya ienjoy mo lang every moment. Hanggang sa yung pagod mo maiibsan. Kasi as the day goes by po makikita mo si baby na lumalaki mamimiss mo sya nung baby pa sya. 🥰 Ako now lagi ko pinapanuod ang vids nya nung baby sya naiiyak ako ang bilis ng panahon 🤧🥰 kaya mo yan mamii mag isa ka literal pero di ibig sabihin nyan mag isa ka lang buhay. One time maiintindihan mo din po ito 😄

Magbasa pa

Ako mi simula na nganak noon wala talagang help from others, kami lang ng asawa ko magkatuwang. Mahirap lalo na nung una kasi premature ang baby ko. Ngayon buntis ako sa pangalawa haha inaasahan na namin ang mas mahirap. By the way nung unang baby ko stop ako sa work. nakapag work ako nung nag 2yrs old na sya. Wfh yun pero ngayon we decided na mag stop ulit ako sa work kasi dalawa na ang aalagaan by next year. Bale 1 year lang ako nakapag work. Sakripisyo talaga need mi pero makakaya mo din lahat yan.

Magbasa pa

sulitin mo hbang on leave ka at hbng andyan pa si mama mo. aralin ang pag aalaga ky LO at pg gamay mo na mlalaman mo kung need b talaga ktulong or kaya n ninyo ng husband mo. Ako ksama ko nanay at mga kptid ko, pero ako parin lahat my baby. kya andmi frst time experiences n ako lng lht ky baby, lalot nagksakit pa lo ko at my mix emotions rin. LDR kmi ng asawa ko, at pabalik nrn ako s work soon. nag iisip na kmha ng stay out ktulong lng incase d kayanin.

Magbasa pa

sa una po mie mhrap po tlga pag kayo2 nlang pero pag nkasanayan mo na po mggng easy nlng dn pero pagod po tlga.. ako po i have turning 3 yrs old daughter plus 10mos old f9r the 2nd and preggy pa po ako 5mos. mdalas kme lng naiiwan dhil pumpsok c mr. pero knkaya ko po..kaya mo rn po yan pra sa family.. keep praying lng dn po

Magbasa pa

kami naman naka bukod talaga kami ng bahay,pero nun nanganak ako dto nag stay c mil ko uuwi lang sya sknla ng sat... then blik ng sun... d tlaga kaya na kami lang saka parehas kami working ni hubby. nid amin mag wrk parehas... d kaya kng isa lang .madali naman samin lahat sa bahay... kaya d dn nakaka stress...

Magbasa pa
TapFluencer

opo mhirap tlga yung worry n bk kurutin o saktan baby kya preferred tlg kmag anak.. ang nkuha q before n yaya asawa ng pamangkin q ok nmn... baby lng tlga sya wl ksma linis uwian sya tpos weekly sahod.. tpos nung mg 1 yr old n c lo ngkwork n si yaya sakto nmn aq nmn ang nwln ng work..