MATERNITY BENEFIT SSS

Diba po ibibigay dapat ni employer yan within 1 month na nakapag pasa ka ng MAT-1 sa HR? Kasi diba employer muna ang magbibigay niyan tapos irereimburse nalang ng SSS sakanila. Binasa ko yung Expanded Maternity Law sa mga websites english at tagalog pa nga eh. Ayun dapat ang funds na gagamitin ng buntis para sa prenatal needs niya so dapat binibigay agad. Bakit sa Sutherland binibigay nila 1 month before ng due date? Violation ng company yun pag delay diba? May HR peeps ba dito? Thanks in adv. - ahh salamat po sa mga sumagot. ang gulo kasi yung isang buntis samin 5 months nakuha niya na agad kinulit daw ng TL niya yung HR, and then yung isa naman 8 mos preggy nung nakakuha ng benefits. ty po ulit!!

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Nung nag leave ako ng january 15 kasabay na po nun yung kalahati ng matatanggap ko sa sss. Tapos yung kalahati pagbalik kona at pag nakafike nako ng mat 2. Sabi saakin sa SSS depende daw yun sa company kung magbibigay daw po. Kasi ako nag file ng mat 1 ko pero di tinanggap yung hr namin ang nagfile at sya ang kinausap ko about sa makukuha ko. Mahirap po matengga sa bahay na wala pong ibubudget lalo na po at malapit lapit na rin ako mnganak.

Magbasa pa

Eh depende naman po yan sa company.. kami po kasi hiwalay ang bayad ng company sa maternity leave and sa SSS. Aside sa SSS, sinasahuran pako ng company. Bale doble. Tas may salary differential pa. Tapos premium pa HMO namin kaya sagot na yung 20k sa CS and 15k sa normal :)

5y ago

wow sana all

Sa company namin before mag maternity leave binibigay yung maternity benefits, pwedeng in full or 2 times (before and after manganak) Pwede din naman daw iadvance, notify lang sa HR but I dont know the whole process ..

Sa Transcom po ako and yung kaworkmate ko nakuha niya din ang kalahati ng mat benefit niya 1 month bago due date. Ganun po talaga ata yun eh. Ako kasi sa March 4 pa EDD ko and wala pang binibigay na cheque sa akin.

Ask ko lang din po if kapag ba nakareceived na ng email from sss na ganyan means okay na yung nafile? Waiting na lang ba iclaim? Sila ba magsasabi if pwede na iclaim o pwede na iclaim ko na? Respect po. Thanks.

Post reply image
5y ago

Sabi po nila wait nalng daw po para ma claim. Ganyan din yung akin eh nkareceive na din ako ng email. Feb 20 due ko kaya pag wala pa this week mag iinquire ako sa hr namin.

Depende po sa company. Mine is ibibigay 2 weeks before ng maternity leave ko. Yung computation is 105 days x daily pay mo. Ibabawas pa po yung kaltas nyo sa pag ibig, philhealth at SSS for 3 mos.

Depende sa company. Requirements kasi sa ultrasound na 28th weeks an above ang ipass sa company then after nun ipoprocess nila. Ako din 8 months na pero waiting parin ma credit sa payroll.

1 month before due date or bago ka mafile ng maternity leave saka lang ibibigay ng company mo yung benefit na dapat makukuha mo, hindi pagkapasa mo ng MAT-1

Mat 1 binibigay talaga yan 1 month before your due date then after mo manganak before mag 30 days mapasa mo na si Mat 2 then 1 month ulit bago ibigay

VIP Member

may mga company n ambilis ibigay basta nakapag notiff n sila s.SSS pero as.per new law ng expanded mat, 1month before due p ibbgay ang advance