MATERNITY BENEFIT SSS
Diba po ibibigay dapat ni employer yan within 1 month na nakapag pasa ka ng MAT-1 sa HR? Kasi diba employer muna ang magbibigay niyan tapos irereimburse nalang ng SSS sakanila. Binasa ko yung Expanded Maternity Law sa mga websites english at tagalog pa nga eh. Ayun dapat ang funds na gagamitin ng buntis para sa prenatal needs niya so dapat binibigay agad. Bakit sa Sutherland binibigay nila 1 month before ng due date? Violation ng company yun pag delay diba? May HR peeps ba dito? Thanks in adv. - ahh salamat po sa mga sumagot. ang gulo kasi yung isang buntis samin 5 months nakuha niya na agad kinulit daw ng TL niya yung HR, and then yung isa naman 8 mos preggy nung nakakuha ng benefits. ty po ulit!!