Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mom of Maria Micah
BAKUNA
Hi momshies! 3 months and 11 days old na si baby ko pero hindi pa nasusundan bakuna niya. Last vaccine niya ay nung nasa hospital pa siya pagkapanganak sa kanya. Nag-ask na kami sa barangay health center namin pero wala raw silang stocks, nag-ask na din kami sa mga private clinics na malapit sa amin pero same thing din walang stock. Nagwoworry na ako kasi ilang bakuna na siguro ang namiss ni baby. Pwede ba yun isabay lahat kapag nakahanap na kami kung san pwede magpabakuna? Kaso kawawa naman si baby ko, hindi na nga siya ganun kataba tapos puro injections pa hays. Baka may alam din kayong mga clinics momshies, dito kami sa Luzon Avenue, Quezon City painform na lang din ako nga moms kung magkano. Thanks!
PhilHealth
Hi po. Sana may nakakaalam. Kapag po ba February manganganak pwede ba na yung babayaran lang sa PhilHealth ay Jan-Feb? Bali 2 months lang? Pero last year naman ay bayad ako ng buong tao. Thanks! :)
CS price
Hi mommies. Ask ko lang po mga magkano magagastos kapag CS sa public hospital and may PhilHealth po ako? Thank you! ?
BPS
Hello po. Ask ko lang po yung mga nakapaBPS sa Mayon Clinical Laboratory OB Sono po ba yung nag-uultrasound dun mismo? Sabi kasi ng OB ko make sure ko na OB Sono yung gagawa ng BPS eh. Maraming salamat mga mamsh! ?
Philhealth pag manganganak
Hello po mga mamsh. Ano po bang process ang gagawin para magamit ko yung Philhealth ko sa panganganak. First time mom here. EDD ko ay March 4 at nagwowork na ako mahigit isang taon kaso kakaresign ko lang nitong January since high risk ang pagbubuntis ko. Salamat po sa mga sagot niyo at sa makapansin.
Ubo during pregnancy
Hello mga mamsh. Ano pong pwedeng inumin natin pag inuubo at buntis? 34 weeks pregnant here. February 3 pa kasi follow up ko sa OB. Nagwawater therapy lang ako now pero natatakot ako sa tuwing umuubo kasi ako baka may mangyaring masama kay baby. Ang lakas pa naman ng ubo ko. First time mom here po. Thanks po sa mga sagot niyo
San po may murang BPS mga mamsh? Around Quezon City po? Thanks po sa mga sagot niyo! ?
Rosario Maclang Hospital
Hello po. Ask ko lang may mga nanganak na po ba dito sa Rosario Maclang or kakilala po o di kaya yung planong manganak dun? Yung hospital na kakatayo lang sa Batasan po sa likof mismo ng BATODA. Thanks po
SSS Maternity
Hello po. EDD ko pa lang sa March 4 and nagresign na ako sa work ko so wala akong nakuha na advance payment para sa maternity loan. Ask ko lang po after magpasa ng Mat 2 mga ilang days bago niyo nakuha yung pera? TIA
31 weeks pregnant
Ilang weeks na lang talaga ay makikita ko na ang mini me ko pero hindi ko pa rin nasasabi sa parents ko. Broken family kami yung papa ko nasa Davao yung mama ko nasa abroad, recently lang din kami nagkaayos ng mama ko kasi nagkamisunderstanding kami dahil sa papa ko na inaabutan ko ng pera mula ng nagkawork ako. Kapatid ko pa lang nakakaalam and yung side ni hubby. Gustong gusto kong humingi ng tips at magkwento sa mama ko tungkol sa mga experiences ko sa pagbubuntis pero natatakot ako na pag sinabi ko ay baka hindi ulit kami na mag-usap and hindi ko kaya yun. Ang tagal ko ng nag-iipon ng courage, sabi ko last time ay sasabihin ko na lang sa New Year pero palipas na ang January 1 at hindi ko pa rin nasasabi hays. Ito yung isa sa mga bagay na nagpapastress sa akin throughout my pregnancy. ??