Baby vomiting

Diagnosed po si baby ng gastroenteritis. Mula may 14 hanggang Ngayon nag susuka sya. Super tamlay na nya. Galing na kami sa ER ng 2x Sabi walang gamot Ang viral gastroenteritis, kundi I maintain na hydrated si baby. Alaga ko naman sya ng ORS ml every 10mins. Pero nasuka padin talaga sya. Kagabi sumuka ng green. Nakaka takot po ano kaya Yun ganon ba talaga Ang gastroenteritis? Help po ftm po ako super overthinking po ako

Baby vomiting
12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

anak ko mii nung 2 yrs old nagkaroon ng acute gastroenteritis tapos may dengue pa, hindi namin pina admit mii kasi pandemic pa non, ginawa namin pedialyte lang talaga umiinom sya every 2 hrs, tapos pinainom namin ng pinakuluan ng dahon ng papaya, piniga yung dahon ng papaya yung katas yun yung pinainom namin.. after 3days umayos na lagay ng anak namin.. pero di porket ok sa anak ko, ay ok na din sa anak mo listen to your mother instinct po. kung panay na ang suka ng baby mo ipaadmit mo pag sinabi ng pedia.

Magbasa pa

naconfine din anak ko nung mar21, 2 days dahil sa sakit na yan... binigyan sya ng antibiotic turok sa swero, 6hrs no milk sya, after nun nag stop na yung pag poops at suka nya... pinaltan milk nya ng NAN lactose free, galing syang bonna. 7 months baby ko non.. sa awa ng dyos, naging okey na sya.. after ng NAN na 1 can nag switch na kami sa s26, kso di kaya isustain.. naghanap ako ng mahihiyang sknya.. nahiyang yung nestogen classic. until now... okey baby ko.

Magbasa pa
1mo ago

si baby ko po hindi na admit. dextrose lang sya ng 500ml tapos Pina uwi na kami. from NAN HA kami, Ngayon NAN AL110. Sabi Wala antibiotics pag gastroenteritis kusa daw gagaling. nagpa 2md opinion kami amoeba daw bigay agad antibiotics, dun nawala poop at suka

TapFluencer

Si baby ko mula months lagi syang ngtatae minsan walang findings, so akala po nmin dahil lang sa pagpapatubo ngipin, halos every 3months ganoon po sya 😥hanggang itong year january 2025, 2years old na sya naadmit uli yan po findings Acute gastroentiritis pero pinatry din sa amin na ilipat sya ng milk yung Low Lactose or lactose free milk dahil baka May lactose entolerance si LO ko. Ayun hanggang ngayon naging okay na sya 🙏..

Magbasa pa

Hi mi, yun baby ko nagkaron din ng gastroenteritis year ago vomiting and diarrhea sabay pina admit sya agad ng pedia to avoid dehydration and at the same time habang nakaconfine sya nagtetake din sya erceflora

ganyan naman baby ko naadmit nung may 16 tapos lumabas kmi Ng ospital may 19..nagsusuka lang Siya deretso Kay Pina admit ko na baka made hydrate..sa awa Ng diyos ok naman na siya

TapFluencer

try mo po s ibang ospital? kc baka madehydrate xa if suka xa ng suma much better qng madextrose .. kc kpg nadehydrate na ang isa mahhirapan n hanapn ng ugat para maidextrose

VIP Member

ilang beses po magsuka si LO in a day? kung green ang suka possible na galing sa bile nya.. normal lang kung walang laman na tyan nya..kung paulit ulit ang suka ibalik agad sa ER..

1mo ago

naka 8x suka po sya. pero okay naman na sya Ngayon, nagpa 2nd opinion kami amoeba daw kaya nag take sya antibiotics.

susuka po baby wag nio po agad bigyan ng inumin o pagkain dhil isusuka po tlga.antay po 1hr kumalma tummy ma dedehydrate po c baby mo po..

try Nyo po painumin elseflora yn po nakapag pagaling sa anak Kong nag susuka non

kapag green na po ang suka ng baby mas maiging dalhin na po sa ospital