Pagngingipin

Sino po nakaranas ng same sa baby q 10 months po nagngingipin madalas po syang sumuka. Naipacheck up q na po sya at nconfine po for 2 days to prevent dehydration ang findings po is gastritis and acute gastroenteritis. Pero now po ay nasuka pa din po sya. Magana po sya dumede at masigla nman po sya. Hindi po sya maligalig. Ung pagsuka lang po tlga ang problem then poops nya po ay basag pero once lang po ngdumi at konti lang po..salamat po sa sasagot

Pagngingipin
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naglalaway, iritable at low grade fever po ang mga normal symptoms ng teething. Yung sipon, ubo and/ or pagtatae ay HINDI po dahil sa pag-iipin dahil nakukuha po ang mga yun sa mga viruses, germs o bacteria. Kapag nag-iipin po kasi si baby nangangati ang gums nya at may tendency na magsubo at ngatngat ng kanyang kamay o kung ano man ang madampot nya, at doon sya nakakakuha ng sakit. Make sure po lagi malinis kamay ni baby at mga toys nya, huwag hayaan magsubo ng kung anu-ano para maiwasan ang sakit. Tulad nga po ng findings sa hospital gastritis and gastroenteritis ang meron si baby, and it's not caused by teething.

Magbasa pa

hello mii, yung 10 month old ko po na baby nung nagpapangipin po sya nagsusuka din po yung effect ng teething sa kanya. pinacheck up ko po sa pedia nya niresetahan po sya ng Vometa for baby (may prescribe ml po para sa weight ni baby) at electrolyte for baby. 1 week po sya nagsusuka ,nung tuluyan na po lumabas ngipin nya nawala po kusa yung pagsusuka nya. as in lahat po ng kinakain nya at dede sinusuka po nya.

Magbasa pa
Related Articles