TOXIC MOMMIES

DI KO NILALAHAT PERO HALOS LAHAT Kung may mga active na mommies pa dito na since 2019 pababa. Ang laki ng pinagbago ng mga iilang new mommies dito ang babastos sa totoo lang. Kung mapapansin nyo. Ang toxic lang ng iilan di katulad noon nakakasad lang. Yung tipong may nagtatanong lang ang barubal ng mga sagot kahit naman paulit-ulit nyo ng nabasa yung tanong may mga iilang mommies kasi na di pa alam at naalam nyo na, na dati ay di nyo din naman alam. Matuto pong rumespeto. Napaghahalataan mga new gen. 😏😕 Uulitin ko di ko nilalahat pero kung matamaan man di ko na kasalanan. Yun lang. Godbless pa rin sa inyo.

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

That is why bihira ako magtanong, magshare at magsagot o magbigay ng opinion dito. Ang harsh kasi nung iba sumagot at mangpuna. Kanya kanya naman ng opinion and experiences to share kaso madalas nakakaoffend yung ibang mga replies. First time ko to use this app and first pregnancy ko din. Minsan eto pa nakakastress sakin. Anyway, the app is really good.

Magbasa pa
2y ago

Mas madalas pinipilosopo. Pwede naman sanang sagutin in a constructive way or mas nice as possible. Pero minsan para ipaparamdam pa sayo na ang tang* mo o kulang ka sa common sense. Nakakalungkot. Kaya ginagawa ko na lang guide itong apps. Sa mga articles, binabasa ko na lang. Pero dito sa community, bihira na ako makipag engage.