*ECS Scar*

Hi mga mommies, nung March 24 po ako nanganak and gusto ko lang pong i-share yung progress ng ECS scar ko kasi sobrang naa-amaze ako sa kinalabasan nya. Parang halos di na halata ang galing. ? Share nyo din po mga CS scar pics nyo mga mommies, pinaghirapan naten yan alam nyo yon! ?

*ECS Scar*
18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ecs po ako neto nakaraan lang na buwan. Mahirap po ba talaga yumuko or magbend pag ganito wala pa 1month ang tahi? Hirap din ako humiga, umupo, etc. Takot kasi ako baka bumuka antahi e 😞 tips naman po ano mga style lalo na para hinde lawlaw yon belly part.

5y ago

Hi mommy masakit po talaga kaya kailangan mag lakad lakad ka din po, ako po after 24 hrs din nung tinahi ako inadvise na po akong mag lakad lakad, para po di kayo mahirapan mag lagay ka po ng binder pag mag lalakad ka sikipan mo pag hihiga ka naman huwag masyado, 18 days palang po taho ko pero nakaka galaw galaw na po ako ng maayos.

Yung saakin po parang linya lang as in walang bakat ng hiwa nakaka amaze nga po akala ko nung nakalagay pa yung waterproof band aid nung inalis magugulat ako sa tahi na malako pero baligtad kasi parang walang tahi 😂

5y ago

nice one po mommy swertihan lang din siguro sa pulidong gumawa ng doktor.

TapFluencer

Ganyan din kalinis ang scar ko same sa 9 weeks mo..napaka galing kasi ng OB ko..thanks God..

VIP Member

Ang galing nman ng Ob mo.. lam ko dpende sa OB yan pag matyaga magtahi maganda tlga kakalabasan..

5y ago

Yes true mamsh.. ska mas mahal bayad pag bikini cut.. kaya dpat mas maganda gawa hehe

Buti ka pa mommy ang ganda ng tahi mo, sakin nag keloid halatang halata nangangati pa minsan.

Post reply image
5y ago

sana nga po khit mag lighten lng okay na hehe

Wow mommy amazing! Ang ganda po ng pagkakatahi sa inyo ☺️ ang galing po ng doctor nyo.

5y ago

opo kilala pong magandang mag tahi ng cs talaga yung ob ko sa lugar po namen kaya madaming nagrerekomenda sa kanya kahit private doctor sya. automatic bikini style talaga sya kahit di mo na sabihin and regular price lang sya di tulad sa iba pag bikini mas minamahalan ang presyo.

eto ung tahi ko nun maayos pa pero nung pangalawang tahi na saken kumapal na ung keloid

Post reply image
5y ago

ganda din po ng tahi nyo infairness naman. gano katagal na po yang last cs scar nyo?

Sis ask ko lang pano nyo nililinis? Step by step?? Pahelp naman hehe

5y ago

please refer nalang po dun sa sagot ko sa mga naunang nagtanong sa baba ng comment box. di ko po ma copy paste eh mahaba pati kasi sagot ko. thanks po 😉

Sis paturo naman pano mo inalagaan scar mo tsaka ano mga ginamit mo po.

5y ago

nung fresh and naglalangib pa lang po, sinasabunan ko ng mild soap, bar soap ng baby like tender care or johnsons para di ma-irritate, then pagkatapos maligo nililinis ko pa ng alcohol and betadine for 2 weeks yan and wag hayaang matamaan ng garter ng panty or wag kamutin pag makati kasi masusugutan (nasugatan ng maliit yung pinakadulo kase di ko mapigilan kamutin). tapos nung wala na yung langib sinasabon ko na nung black na bleaching soap as in binababad ko talaga. yung nabibili lang naman sa grocery or any preferred bleaching soap nyo na alam nyong effective sa inyo, tapos maligo pinapahiran ko ng human nature na baby lotion. yun pala ang nilalagay ko sa tiyan ko nung buntis ako kaya makinis at walang kamot pero may linea negra lang. 😊

Ano po panlinis mo? Paano po nililinisan or ingatan? Cs here. 😊

5y ago

please refer po dun sa mga comments ko dun sa mga naunang nagtanong. ang haba po kasi ng sagot ko di pala pwede dito copy paste. hehe thanks po. 😉